Isang Open-Letter Para sa Mga Housemates ng Pinoy Big Brother Season 6

Big Brother Philippines Season 6

Pinoy Big Brother 6

Sa mga Papasok na Housemates,

Habang binabasa niyo ito, marahil kayo ay nasa kalagitnaan ng pagsesequester sa kanya-kanyang hotel room sa Maynila (at maaring hindi mo ‘to mabasa kaagad), kung saan ay naghihintay na lamang kayong lumipas ang isang linggo bago kayo pumasok sa bahay ni Kuya para sa makasaysayang nitong ikaanim na regular season (ikalabing dalawa sa pangkalahatan) at ikasampung anibersaryo.

Sa inyong pagpasok, magiging bahagi na kayo ng isang naatatanging pangkat ng mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na binigyan ng pagkakataong manirahan kasama ang mga kapwa estranghero sa loob ng higit-kumulang na 15 linggo na walang contact mula sa labas. Para maglaro sa isang palabas na may mga hindi-inaasahang twists at turns, magawang lagpasan ang bawat nominasyon at evictions, maging ang pagpipintas ng publiko hanggang sa ikaw na lang ang natatanging natitira.

Magiging bahagi kayo ng Big Brother family kung swan bahagi dito any mga kagaya nina Nene Tamayo (PBB), Will Kirby (BBUS), ang kilalang aktor na si Gary Busey (BBUK), at marami pang iba mula sa bawat version ng palabas na matatagpuan sa bawat sulok ng daigdig.

*Courtesy of Endemol-Shine

Bilang isang malaking tagahanga ng show, naisip na siguro ay gawan ko kayo ng mga tips na napulot ko mula sa ilang alumni ng BIg Brother sa ibang bansa na maaring makatulong sa inyong pakikipagsapalaran sa loob ng 100 days, maging mga tips mula sa’kin mismo.

1) Asahan ang Hindi Inaasahan

An iconic scene from PBB2

Nakasalalay sa unpredictability ang kagandahan ng Big Brother kaya huwag kang pumasok sa bahay na alam mo ang maaring mangyari sa loob dahil hindi mo alam kung ano ang mayroon doon. Bawat sandali ay maari kang tapunan ng mga twists at turns habang may nakatagong baho ang bahay ni Kuya sa bawat sulok na hindi mo namamalayan.

Bilang isang social experiment, huwag kang umasang magiging maayos ang pagsasama mo sa mga kasambahay na ngayon mo lang makikilala. Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, mga away, at  kasiguraduhang hindi lahat ay magiging mga kaibigan mo panghabambuhay, masasanay din kayo sa isa’t isa sa pagtagal ninyong lahat sa loob ng bahay.

2) Samantalahin ang Pagkakataon

Isang pambihirang karanasan ang maging bahagi ng Big Brother, at malaking bagay na ang pagiging housemate. Pinili ka mula sa mga libu-libong aplikanteng gagawin ang lahat para masama lang sa cast kada season. Pero, maaring mabawi sa’yo ng walang babala ang pagiging kasambahay mo kung ikaw ay na-evict o hindi kaya’y ma-forced evict dahil sa pagsuway sa rules.

Kung kaya ay samantalahin ang bawat araw na nasa bahay ka at enjoyin mo ang buong karanasan.

3) Huwag Tratuhin ang Laro na Parang Bakasyon o Retreat Lang

Ang Big Brother ay isang social experiment sa anyo ng isang laro, isang paligsahan kung saan isa lamang ang maari maging kampeon ng iyong season.

Isang insulto kay Kuya at sa maraming matagal na nag-o-audition pero hindi nakalusot na makita ka nilang ginagawa mong bakasyon ang pananatili mo sa bahay na nakatunganga lang at panay ang pagtulog buong araw.

Ikaw ay magsusumikap kasama ng buong bahay para makakakuha ng pagkain, luxury at kapangyarihan linggu-linggo sa lahat ng inyong makakaya. Pumasok ka sa bahay para sa sarili mo, para manalo sa huli. Huwag mo naman sayangin ang lugar mo sa bahay.

4) Pag-isipan ang Bawat Hakbang Tatahakin

Madalas tamaan ng pagbabago ang bahay ni Kuya kaya may mga pagkakataong maiilang ka o ma-ooverwhelm sa iyong kapaligiran. Relaks ka lang at i-take in mo ang lahat. Hindi mo kailangang magmadali.

Anumang pakiramdam ng pag-iilang ay siguradong gayundin ang nararamdaman ng mga makakasama mo sa bahay sa unang mga araw. I-adapt mo lang ang iyong sarili sa bagong environment mo at gawin mong kumportable ang sarili mo sa loob.

5) Huwag Kang “Umarte” sa mga Camera

Nakakuha ng negatibong pagkakilanlan ang PBB dahil sa diumano’y pagiging “scripted” nito kahit isa itong palabas na gumaganap sa kasalukuyan. Binabase madalas ng maraming kritiko nito ang kanilang pamimintas sa napapanod nila sa mga inedit na highlight shows na pinapalabas gabi-gabi sa TV, imbes na ibase ang kanilang paghuhusga sa live feeds na umeere online at sa cable.

Hindi lihim na ginamit ng maraming nakaraang housemates ang show para sumikat at gamitin ito para magkaroon ng karera sa showbiz. Kita ito sa mga ginagawa nila para mamakuha ng simpatya at popularidad mula sa manonood. Ang maipapayo ko lamang ay maging totoo ka sa iyong sarili dahil makikita’t makikita rin namin ang tunay mong pagkatao mula sa live stream na laging na naisasahimpapawid 24/7.

6) Ang BB ay Isang Pagsubok ng Karakter

Rustom comes out to Keanna (unseen in photo) in Celebrity Edition 2

Isang rule of thumb sa Big Brother ang “pagiging totoo sa sarili”. Ngunit, mahalagang isaisip na may mga pagkakataon, kung saan masusubukan ang iyong pagkatao. Mapa-mga kunprontasyon man o mga physically/mentally taxing na tasks (or both), o kahit mga life-changing moments na kailangan mong harapin.

Subukan mong itanong ito sa sarili mo: “Kaya ko ba ito?”

Marahil hindi mo aakalaing marami kang matututunan tungkol sa sarili mo sa loob ng bahay. Kumbaga, nabibigyan ng bagong ibig sabihin ang “pagiging totoo sa sarili”.

7) Iwasang Maging Gasgas

Mahalaga sa iyong social game angpagsasalamuha mo sa kapwa housemates. Lahat kayo sa bahay ay may kuwento tungkol sa mga buhay-buhay ninyo at mga iyon ang nagdedefine sa inyong mga katauhan.

Iwasang maging gasgas ang sarili mo sa iyong paglahad ng pagkatao mo sa madla. Bigyan mo ng panahon ang mga kasambahay mo na makilala ka ng maayos kung ikaw rin naman ay binibigyan din ng oras para makilala mo sila ng mabuti. May 15 linggo ka rin naman kaya may panahon pa.

8) At sa Huli, Huwag Malaki-Ulo

Bea Saw wins PBB2

Matapos mong lagpasan ang maraming linggong paninirahan sa isolation at panonood sa’yo ng milyun-milyong katao, natural na may makukuha kang isang gahaman ng pagkakilanlan o kasikatan dala ng pagiging bahagi mo ng show. Ngunit, sa lahat ng biglaang atensyon o offers para lumabas sa mga talks shows at teleserye, mahalagang manatiling nasa lupa ang iyong dalawang paa.

Hindi magtatagal, makakalimutan ka ng mga tao at kakalimutan din nila ang palabas kung saan ka naging bahagi. Babalik ang pagiging walang-kabuluhan mo sa mata ng taumbayan kapag dumating ang bagong bagay na magpapaantig sa kanila.

Ngunit, hindi ka makakalimutan ng isang pamayanang na hindi tatalikod sa’yo. Ang pamayanang iyon ay binubuo ng mga matagal ng tagahanga ng palabas at ng buong prangkisa mismo, maging ang mga taong lumahok noon sa mga naunang seasons.

Sa huli, maging pasalamatin dahil sa binigyan sa’yong oportunidad kung saan na-enjoy mo ang isang karanasan na walang katulad at kung saan mamumuhay ka ng walang panghihinayang dahil lumabas ka ng Bahay ni Kuya na naging mas mabuting tao sa puso at diwa.

Bilang pamamaalam, nais ko ipaalala sa inyo na nanonood is Kuya.

Mula sa iang tagahanga mula noong 2005,

James

*I would like to thank Big Brother US alumni Derrick Levasseur and Dan Gheesling, both winners in their respective seasons, for letting me use their own pieces of Big Brother advice as the sources of inspiration behind this open letter, adapting their words of wisdom in the context of how Big Brother is played in the Philippines. It is both an honor and privilege to be able to talk with these guys on Twitter.

**English version of this article is available here.

Share this post