Usapang Siopao sa Isang Convenience Store

Naranasan mo bang mainis dahil lamang sa isang maliit na bagay kagaya ng siopao? May kasaysayan ako sa pagkain iyon simula noong una ko silang nakilala noong grade school ako.

Nang dahil sa siopao. *bow*

Ngayong matanda na ako’t nagagawang makabili na ng siopao, hindi pa rin ako makapaniwala na mararanasan ko ulit ang isang problem na may kinalaman sa isang munting pangmerienda.

At dahil lang hindi masagot ang isang simpleng tanong.

Naghahanap ako ng pagkaing bibilhin nang may nakita akong siopao na nakadisplay sa steamer ng FamilyMart. Naisip kong bilhin iyon kaya sinabi ko sa cashier na bibili ako ng siopao.

“Sir, hindi na po sila available”, ang sabi ng cashier. Nagtaka ako kasi kitang kita ng mga mata ko na may siopao doon sa steamer kaya ang sagot ko sa kanya, “Eh, ano iyung nandoon?”, sabay turo ko sa steamer. Litung lito ako sa sinabi niya.

Imbes na sagutin ang tanong ko, inulit lang niya ang sinabi niya na “hindi available”. Inisip ko na hindi ako klaro sa sinabi ko kaya inulit ko ang sinabi ko sa kanya kung ano ang nakadisplay na nandoon? Hindi pa rin ang sinagot ng diretso.

Nainis ako kasi pabalik-balik at walang napupuntahan ang usapan. Gusto ko na sanang sigawan ang cashier ngunit pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Inulit ko ulit na mas seryoso at iritado ang tono ng pananalita ko ang tanong ko sa kanya para makuha niya ang mensahe ng mabuti. Tinuro ko pa ang steamer para makita niya na may siopao pa doon.

Ngayong napansin na ng cashier na hindi ako mukhang masaya, sa wakas at pinaliwanag na rin niya sa’kin kung bakit hindi siya available.

“Sir, kapag malambot na po masyado ang siopao, hindi na po puwede kainin”, paliwanag niya. Pero sa isipan ko, bakit hinayaan pa niyang manatili sa steamer ang siopao kung hindi na pala puwede makain? At hindi pa rin sinagot ng diretso ang tanong ko sa kanya noong una.

Sa sobrang inis ko, umalis na lang ako mula sa tindahan. Naghanap na lang ako ng siopao sa MiniStop. At least doon, meron na nga, makakain pa siya.

Share this post