“May Pera sa Jeep…”

Kung sa tingin niyo may pera sa basura…nagkakamali kayo. Alam niyo ba kung saan ka mas kikita? Sa jeep. Bakit kailangan mong matuto magmaneho kung hindi ka naman magmamaneho ng sasakyan para lang kumita?

Marami na akong nakikitang mga tao na gumagawa ng kabuhayan mula sa mga raket-raket nila, mula sa pagtitinda ng mga pekeng accessories na gawang Nokia-“kuno”, paglilimos sa mga kalsada’t bangketa at estasyon ng tren, pagiging mangpapayong sa mga walang payong, at taong bantay sa mga sasakyang naka-park sa harap ng Jollibee-Francis Market.Pero ang talagang nakakapanghinayang natrabaho sa lahat ay ang pagiging shoeboy at mang-aawit-for-hire.
Insidente #1: Mabini St. en route to Roxas Boulevard (December 2007)
-Pupunta ako sa opisina ng mom ko sa DOF kaya sumakay ako ng dyip na de-orange. Eh may ginagawa sa VP. Ocampo kaya nagshort-cut sa may Pasay tsaka balik uli Manila. Paglabas ng dyip patungong Mabini, sabay biglang pumasok dalawang madungis na bata na biglang nangaroling. May isa na umupo sa likod ng dyip at nagtutugtog ng drum habang ang isa niyang kasama ay kumakanta. Matapos mangaroling bigla kita kamay nanghihingi ng pamasko. May ilan nagbigay ng piso habang may iba na hanggang sampung piso ang kanilang binigay sa mga bata. Bago pa man lumiko sa P.Ocampo, bumaba na sila sa harap ng 7-Eleven.
Insidente # 2: M.H. Del Pilar Street, Tinajeros (en route to Maysilo), Malabon City (1st Qtr. 2008)
-Heto naman nangyari noong pauwi na ako. Paakyat na nang tulay ng Tullahan (iyung isa pa) ang sinasakayan kong jeep nang may sumakay na isa ring marungis na bata. Isang shoe boy na biglang nilinis ang mga sapatos ng mga pasaherong nakasakay nang mabilisan, kasama ako. Nanlimos kaagad nang nakatapos, nilalapitan pa niya kamay niya sa’min. May isang babae na katabi ko ang naawa kaya binigyan siya ng limang piso. Bumaba na rin siya nung nasa Maysilo na ang jeep namin.
Insidente # 3: Gov. Pascual Avenue, Potrero, Malabon (en route to Caloocan) (October 3, 2008).
-Buti na lang may i-Pod na nakasaksak sa tainga ko nung araw na yon. Kasi nung nasa may bahaging PNR raillines na kami may biglang may sumakay na mamang kahinahinala ang itsura. Pagpasok niya sabay bigay niya sa mga kasamang kong pasahero ng mga sobre na may nakasulat na sinasaad ang rason kung ano ang pakay niya at bakit. Ang kanyang hulugan ng pera ay kalahati lamang ng kanyang “drumset”, ginagamit niya ang drumset na yon para gumawa ng tunog sa tuwing kumakanta siya. Hindi ko alam kung ano ang kanyang mga sinasabi pero sigurado akong gimik lang niya yon para kumita kaya di ako nagbigay ng pera sa kanya.
Sa totoo lang, nakakaalarma na ang mga ganitong pangyayari. Hindi dapat iyon mangyari kailanman kaya naman dapat gumawa na tayo ng paraan bilang mamamayan na mawala ang kahirapang nararanasan ng ating mga kababayan. Kasi hindi natin alam kung magiging mga batang magnanakaw ang mga mukhang inosente na kabataan.
Share this post