Mukhang nagkakandarapa sa aking mga braso ang sangkatutak na tech problems.
1. Ayaw gumawa ng album para sa mga bagong uploads ang Multiply Photos
2. Ayaw magstreaming na naman ang Quicktime (Error -2048)
At least eto ung pinaka-main problems na hinaharap ko. Ang ginawa ko:
1. Kinontak ko customer service ng Multiply, sabi nila, gagawin nila ang lahat kanilang makakaya kaso hassle talaga kasi ang dami kong mga litrato na kailangang i-upload at siyempre puwede naman sa facebook kaso 60 pics at a time siya per album habang may hangganan kada buwan ang sa Flickr. Di gaya sa Multiply na quantity is no longer a question (as for quality, it comes with a price).
2. As for Quicktime, hindi ko ito maintindihan. dati ung Error -2**** ang pinoproblema ko pero after rebooting, okay na. Ngayon, heto naman Error -2048 ang nakakabuwisit talaga! Sinubukan kong i-reinstall uli Quicktime pero mukhang may problema: Hindi na available sa Mac OS X 10.4 ang current Tiger version ng Quicktime kasi hanggang version 10.4.9 na lang siya. Kainis! Solution is for me to have to have a total software update on Mac OS X Version 10.4 para maging compatible na siya sa bagong version ng Quicktime and other similar programs. Kung hindi ko to magawa in ASAP, di na naman ako makakainig ng online streaming on the safety of my laptop every again!