INTENSYON: Ikatlong Kabanata, Outbound

[Writer’s Note: This entry does not mean to inflict any harm to anyone. This is based on true events so anything that you may find may be offensive. If you don’t want to continue, don’t read from this point on.]

    Waghhh, hirap pala ang maging member ng isang debate varsity, talagang kakaiba ha? Kailangan gawin mo to pero dapat hindi from the book. Kailangan di mo gawin ito habang ginagawa mo ang ganyan. Nakakalito ‘no? Kaya nga akala ko wala nang pahingahan ito eh.

    Malaking relief talaga na sasabak kami sa isang out-of-town trip sa Pagudpud, Ilocos Norte. Medyo may kamahalan pero okay lang kasi sina Senpai ang gagastos para sa’min. Tsaka na lang sila babawi sa’min (Ngyeee).

     Isang Sabado ng buwan ng Hulyo ang ginawang departure day naming mga miyembro ng Lipon. Sa org office, nandun na iyung mga friends ko sa Lipon na sina Mao, Lara, Licca, Jomelyn, Jamille, Marco at Jyna. Among the vets naman ay nadun sina Senpai, Carol, Rem, Rico at Jairus, plus si Raspy. Actually, di makakasama sa trip sina (Sir) Jairus, at si Rico pero isa sa mga dating vets ay makakasama namin na ang name niya ay si Rix na graduate nang school.

    Dumating na kami sa isang magandang resort sa Pagudpud (Maaga kami nakaalis kaya maaga na rin kami nakarating). Nakapagreserve sina Senapi sa isang room na okay lang: malawak, malinis at medyo di accomodating kasi isa lang ang bedroom pero 2 ang banyo. It was agreed na kaming mga boys ay matutulog sa may living room whle ang girls ay nasa bedroom.

    Nagstart na kami sa pag-aayos nang mga gamit namin habang may ilan na lumabas para mamasyal along the beach. Naaalala ko pa nga na sina Mikel, Reeves, Marco, Lara at Licca ay pumasok sa isang pool na may lamang water under treatment. Hehehe. Di naman namin alam lalo pa’t sina Lara at Mikel ay nagpadip sa ilaliman ng pool.

    Nightfall came at doon nagstart ang aming “outbound training”. Akala ko pa naman, bakasyon lang ang aatupagin namin kaya hayun. Nose-bleedan hanggang sa kadulu-duluhan ng gabi. 

     Mga ala una na ng madaling araw kaya trip ko nang matulog. Iyung iba hinde nila trip ang matulog eh kaya up till the dusk of dawn ay gising pa rin sila. May nagyosi sa labas, may nag-inuman sa loob and vice-versa.

   I don’t like what I’m seeing kasi I look up to Senpai and Carol (yeah, they smoke and drink). It’s not good na humahawak sila ng authority tapos nagpapalulong sila sa mga ganoong bisyo. HIndi iyon tamam kasi dapat role models sila sa mga members ng Lipon plus higpit na pinagbabawal ng CS na maginum man o magyosi sa mga school-recognized activities lalo pa’ kinukonsidera iyon na under jurisdiction ng school. Weeghh. Doon nagstart ang pagnanais kong makaalis sa org na iyon. Well, ang baba ng katwiran ko pero ayoko macompromise ang mga nakikita ko nung time na iyon sa kung ano ang dapat naming iasal. Oh well, di naman nalaman ng colege kaya lusot.

   In general naman, nagustuhan ko iyung out-of-town namin pero I just really hope that people like Senpai should uphold, with utmost dedication, their roles as models for us members of the orgs.

DURUGTUNGAN

Share this post