Kakaiba kung paano gumagana ang news feed sa’kin, laging delayed. Kung kailan nalalaman ko ang isang balita, alam na pala ng mas nakakarami matagal na! May iba na hindi tsismoso gaya ko pero nalalaman nila bago ako kung ano ang mga kaganapn sa buhay ng ibang tao. Ang weird!
*Blind Item Mode*
Hindi ko na babanggitin ko pero heto iyung mga balita na natanggap ko na sobra sa sobrang late nung time na umabot na sa tainga ko ang mga kaganapang iyon.
- May naging sila
- May di naging sila
- May nangyari
- May nagdrop out
- May bumalik
- May umalis
- May nabuntis
- May nanganak
- May out na daw
- May nagmigrate
- May umuwi abroad
- May nagdrop-out
- May na-kick out
- May lumipat sa ibang school
- May nagshift ng course sa college
- May nag-away
- May pumayat
- May natutong nanigarilyo
- May natutong uminom
- May tumino
- May nahirapan
- May hinihalal
- May nagtatrabaho na
- May nagka-lisensya na
- May tumaba
Hindi naman sa tsismoso ako, pero iyung fact na marami na ang alam na nangyari nito at ako nalalaman ko lang months later (the longest would be about 4 years). That would have meant, I was clueless when such an event was occuring at the time. It kinda make youself think “Where the heck have I’ve been when all of these was going on?”.
Weird!