The CSB Experience 4: The Upcoming Fourth Third and Final Finals Week

Wow….Lapit na ba? Di nga? Seriously? Naks…

Parang kailan lang talaga, sinusulat ko noon kung gaano ako kinakabahan dala ng finals week. Much more na lagi ko sinasabi na pahirap at pahirap ang mga kinukuha kong mga klase kada term kaya wala dapat akong excuse para maglalamya-lamya lamang.

Sa susunod na linggo, simula na ng fourth-third-and-hopefully-final finals week ko sa Benilde. As always kinakabahan ako pero di gaya sa mga nakaraang trimester, mas lalo akong nag-aalala ngayon dahil ito na nga mismo ang make-or-break moment ko. Lunes na Lunes pa lang, magiging busy ako dahil finals ko sa BIZ2 class ko. Buti na lang, walang pagsusulit ang kinakailangan sa’min kungdi mga revisions lang sa final business plan namin. Frustrating lang talaga na kinakailangan talaga na i-ayon ko sa kung ano ang gusto makita ni Miss Lim ang papel ko. Considering na na-late ako nung araw ng defense ko, di ko afford ang di pumasok na maaga dahil alanganin na ako rito. Kailangan ko ring alalahanin na may kailangan akong isumite sa kaklase kong si Ralph para sa ipapasang CD para kay Miss Lim.

Sa Miyerkules naman, medyo dapat noon ko na dapat tong binigyan ng pansin: ang pagbuo ng mga reflection papers para sa Ordev-C ko kay Chef Delia. Alam ko na anytime ay maari ko na lang iyon isubmit pero ang daming mga pangyayari na nagpumigil sakin na gawin ang isang bagay na kasing-simple kagaya nito. Hay….

Pero ang di ko talaga dapat palampasin ay ang darating na external defense ko sa PROJ2. Thesis film ang bibigyang depensa ko kaya dapat na ipaghanda ko ito ng mabuti. Pero mas kinakabahan ako dahil habang sinusulat ko ang blog na ito, wala pa rin akong ideya kung natanggap na ni Miss Lai ang aking email kung saan naka-attach doon ang mga hinihingi niyang mga dokumento at iba pang mga kailanganin para masecure ko ang  endorsement ko sa kanya. Di puwedeng sabihin niya sa’kin na wala siyang natanggap sa kin kungdi kakasuhan ko ang eskuwelahan.LoLz

Lubos na pinaghirapan ko ang thesis film ko, kahit di kagandahan ang pag-arte ng mga nakuha kong mga “artista”, kahit papaano naging tapat sila sakin at nanatili hanggang sa huling sandali. Alam ko na may pagkukulang ako habang nasa produksyon pa ang pelikula pero ako ay lubos na nagpapasalamat dahil kungdi dahil sa mga tao na malapit sakin nang lubos, maaring napunta sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan,

Alam ko na hindi pa huli ang lahat. Di pa nagtatapos hanggang sa ito ay matapos ko na. Ayoko pa tumagal sa eskuwela dahil lamang may bagsak ako. Gagawin ko ang lahat ng aking mkakaya para mabigyang katuparan ang pangako na binigay ko sa aking sarili, ang makatapos ng pag-aaral.

Kaya ko ‘to, kaya na’ting lahat ito!

Share this post