What’s Inside My J-Pod Today?

I had my I-pod restructured with a whole new playlist. They’re mostly downloaded songs from Limewire.

  1. Beautiful Life-Ace of Base
  2. The Sign-“
  3. Chasing Pavements-Adele
  4. Irreplaceable-Beyonce
  5. Waiting-BoA
  6. Flower-“
  7. Milky Way-“
  8. Love Generation-Bob Sinclair
  9. Kids in America-Cascada
  10. Believe-Cher
  11. Forever-Chris Brown
  12. Love is Gone-David Guetta
  13. Thank You-Dido
  14. Digimon English Theme Song
  15. Mercy-Duffy
  16. Maskara-E-Heads
  17. Magasin-“
  18. Minsan-“
  19. With a Smile-“
  20. Huwag Mo Nang Itanong-“
  21. Torpedo-“
  22. Ligaya-“
  23. Toyang-“
  24. Tuwing Umuulan at Kapiling Ka (Basil Valdez Original)-“
  25. Fruitcake-“
  26. Harana-“
  27. Pare Ko (P.I.-free version)-“
  28. Julie Tearjerky-“
  29. Kailan-“
  30. Overdrive-“
  31. Ang Huling El Bimbo-“
  32. Low-Flo Ri Da (Napuputol ‘to, ewan ko kung bakit)
  33. Elevator-” (One of the best songs in my I-Pod)
  34. Booty Music-Git Fresh (a.k.a. Deepside)
  35. Degrassi: The Next Generation (We Can Make It Through)-Jakalope (Heto pantg isa na napuputol bigla habang tinutugtog ko)
  36. The Jam Song-Jam Creative Productions
  37. Happy (Loop-Di-Loop Remix)-James Habitan Feat. Square Heads
  38. Kids in America-Kidz Bop
  39. Can’t Get You Out of My Head-Kylie Minogue
  40. Love at First Site-“
  41. Come Into My World-“
  42. I Should Be So Lucky-“
  43. All I See-“
  44. Kids in America-LEN
  45. Forget About Me-Little Bit
  46. Touch My Body-Mariah Carey
  47. Bye Bye-“
  48. Kids in America-Missing Persons/Kim Wilde (?) (I’m guessing this is the original and truly the Kim Wilde song)
  49. Pocketful of Sunshine-Natasha Bedingfield
  50. Miss Independent-Ne-Yo
  51. Kids in America-No Secrets
  52. So What-Pink
  53. Sweet Soul Revue-Pizzicato Five (only J-Pop song in the playlist)
  54. Disconnection Notice-Pupil
  55. Disturbia-Rihanna
  56. Umbrella-“
  57. Himala-Rivermaya
  58. Sayang-“
  59. Sumigaw-“
  60. 241-“
  61. Balisong-“
  62. You’ll Be Safe Here-“
  63. Maskara-“
  64. Sleep-“
  65. Liwanag sa Dilim-“
  66. Alab ng Puso-“
  67. Awit ng Kabataan-“
  68. 214-“
  69. Happy-Square Heads
  70. All About Us- T.a.T.U.
  71. Not Gonna Get Us-“
  72. All the Things She Said-“
  73. That’s Not My Mine-The Ting Tings
  74. Great DJ-“
  75. Melrose Place Theme Song
  76. Beverly Hills 90210 Theme Song
  77. The CW’s 90210
  78. WLS-FM Jingles-Jam Creative Productions
  79. World Hold On-Bob Sinclar
  80. Hot Stuff (Let’s Dance)-Craig David feat. Bob Sinclair
Forever J-Pod!
Share this post

Ang Baha sa May Amin

May hirit pa ako kaya di ko kayo titigilan!

Iyung  baha sa subdivision namin ay hindi na bumaba. Kung nagsubside man, doon lang sa area namin at hindi sa iba pang bahagi ng kapitbahayan (kalahati ng subdivision tinaas at sinemento na! Lintek ba’t ang kabila di rin itinuloy?!)
Ilang buwan na nandoon ang baha sa’min simula pa noong unang bumagyo sa Hunyo tapos nagtuluy-tuloy na…Lintek.
Akala ko pa naman nung may nagtataas na ng kalsada sa kabilang banda ng subdivision ay matatapos na rin sa wakas ang problema namin sa baha. Iyun pala hindeh!
Nakakalungkot kasi dati naman panandalian lang talaga ang pananatili ng mga baha sa lugar namin, mga mula 2-5 linggo lang bago bumaba. Natagalan nga lang kapag naapektuhan kami mula sa mga high tide ng Obando, Bulacan at ng Malabon-Navotas, kumbaga nagiging kitchen sink ang aming barangay!
CALLING MAYOR SHERWIN GATCHALIAN AND 1st DISTRICT REPRESENTATIVE REX GATCHALIAN, KAILANGAN NG TULONG NIYO ANG MGA MAMAMAYAN NG ARKONG BATO!!
Mga BUWISET!
Share this post

Ang Malas sa Payong

Kahit umulan man o umaraw

Payong ko’y iyong maaasahan
Di ka na mababasa nang ulan
Di ka na mababasa nang ulan

Kahit ang bagyo ay kakayanin
Huwag kang lalayo sa akin
Di ka na mababasa nang ulan
Di ka na mababasa nang ulan

Di na, di na, hinde, hinde, hinde
Mababasa nang ulan
Di na, di na, hinde, hinde, hinde

The third in a series of “frustrated blogs” I’ve been doing since yesterday. This one’s about my thing with umbrellas…

Ellah…ellah…eh..eh…
I think I have some sort of curse when it comes to umbrellas…I don’t know. Misfortune, yes, but too much of it? Weird…
Lately I’ve been noticing a pattern whenever I bring an umbrella when going to school and whenever I don’t bring one. On days that I do bring an umbrella, there’s no rain showering over the city, or at least when I’m out commuting. That even if I know that the weather on those days would show signs of heavy rain due to the formation of cumulo-nimbus clouds, you know, “makulimlim na kalangitan”?
However, on days when I don’t bring an umbrella because of promising looking skies, most often I’ve been deceived by such looks. I ended up getting wet and….getting wet. Yes.
Just last Saturday, I started my day deciding whether or not should I bring an umbrella. I brought one the day before but not a single drop of rain fell. I ended up not bringing one. I left Valenzuela with skies clear as blue. By day’s end, it rained and upon leaving the LRT, I could see the sky as dark as some thug’s dark underarm. None of the my fellow commuters dared to go outside in Avenida Rizal and wait til the traffic signs goes red. I took the risk, went out and just as the red light turned on (on the vehicles’ side at least), i walked across in front of Victory Central Mall really fast. 
Come with the misfortune of not having an umbrella is the misfortune of not having to wear shoes and instead wear sandals which I’ve been wearing for the past week. I had my shoes washed because a household lizard pooped on one of them.I was already running along Samson Road en route to the jeepney terminal in McArthur Highway when i slipped somewhere in front of Mang Inasal restaurant, almost fell to the ground, my big toe on my right foot got wounded and there’s blood coming out from the wound.I hurriedly ran for dry land somewhere along the facade of a seemingly unused yet rented Ever Gotesco Grand Central building before going out again in the rain. 
The moment I came home in Valenzuela, the rain there had since stopped and thank goodness it did because I don’t know what to do. I don’t even want to take a tricycle ride because I wanna save money.
I hate myself right now. Just today I brought, once again, an umbrella to school and it didn’t rain, or at least it didn’t rain while I was commuting earlier to and from school. Grrr…..!!
Share this post

Tagihawat Kahit Saan

  Ahhh! I hate it and surely not loving it. I thought that it is all over but I realized that even at 18, I still get to experience the horrors of puberty: PIMPLES!

The only thing good about me having pimple is that I don’t had a pimple breakout when I entered puberty, as in having swarms of “boils” popping all around my face. They usually appear on 3-4 areas of my face: the forehead, the nose, the area around the lips, and chin. In rare occasions do I get two-three developing pimples in one place and/or have one in the making somewhere in the pisngi.
The area with the most pimples appeared on my face would be my nose, followed by my chin. Seriously, it’s better to have one the latter than on the former. Other than being irritatingly bloated and itchy while still in red, having a pimple on the nose is a major capital sin, a big no-no in school for the mere reason of being the most exposed facial part seen and noticed by many. 
What’s worse maybe is that it would look like a big booger attached to my nose when it is in its yellowed state. Eewww….
Just sure hope the one I have now would disappear as soon as possible before the big day on the 18th!
Share this post

The CSB Experience 2: He’s on TV Rin?

        I thought at first he’s just a local singer featured on TV once who happens to be one of my classmates in one of my classes but turns out that he’s more than that.

       Just a few hours ago, I happened to be in Malabon to do this errand for my dad. While waiting for the errand to do its job I stayed in my uncle’s house in the Sibucao Compound in Baritan/Concepcion. He let me watch TV but the saddest thing happened: The TV won’t start after 14 years of existence and continuous use. So his neighbor let me watch TV at her place.

    She got Global Destiny Cable so I was able to switch and search between channels just so I know what good stuff they have. Unfortunately there’s no Hero TV, Velvet, Myx, and Animax but they do have Jack TV and C/S Origin!

     I stumbled upon this show on IBC-13 which airs Sundays at 11 am. It’s called AM@IBC, a Filipino-Chinese lifestyle magazine show. I was surprised to see a veeeery familiar face, and when he introduced himself during the show’s opening sequence, I was right: IT IS HIM!!

     Wow to think, right? I really can’t believe it although I know the show’s existence years before (itused to air on an earlier timeslot followed by a music video show before “Sunday Mall Show”).

Now if only IBC could have its signal improved just like how RPN did to theirs.

Share this post

Guesting on DZMM Sais Trenta’s U-Talk

Start:      Oct 18, ’08
Location:      ELJ Bldg., ABS-CBN Compound, Mother Ignacia St., Quezon City

I myself got surprised when I was invited by Lance’s prof who works for ABS-CBN.

Nosebleedan to kung nosebleedan kasi balita ko sa debate ako kakasa!

Maari niy o po pakinggan ang programa mga bandang ala tres hanggang alas kuwatro ng hapon sa AM (630 Stereo Radio) at maari niyo rin ako mapanood sa DZMM Teleradyo sa cable.

IWAGAYWAY ANG ABNDILA NG MGA BENILDANO!

ANIMO BENILDE!

Share this post

“What is Lost is Now Found”


So okay…may kilala akong isang tao na sa loob ng higit sa isang taon ay bigla na lang, nawala sa iisang iglpa lamang. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero lingid sa kaalaman ko ay matatagpuan lang pala siya sa isang public domain na kung saan may account ako doon.

Nagkakilala kami nung nasa Amerika pa ako, June 2001. Magbusmates kami sa pagpasok at pag-uwi mula sa eskuwela.
Naging magkaklase rin kami kaya hindi rin naman nagtagal ay naging magkaibigan kaming dalawa.
Dala na rin na pareho kaming mga Asyano’t may pagkakapareha sa ilang mga bagay-bagay, naging matalik kaming magkaibigan. Naalala ko pa nga na tuwing Tuesday at Thursday ay tumatambay ako sa suite nila para gumawa ng homework, maglaro ng Gamecube at manood ng TV. Bukod pa doon ay pinaghahandaan kami ng merienda nang mom niya na naabutan kong nanonood ng East Meets West sa Food Network.
May kahiligan siya sa mga eroplano kaya ang dami niang mga libro tungkol sa mga warplanes, at mga tungkol sa World War II. Kuwento nga niya sa’kin minsan na ang dahilan kung bakit naging anti-Semitist si Adolf Hitler ay dahil diumano sa isang pangyayari noong bata pa siya. Naging Ju-On si Hitler kumbaga.
Nung tuluyan na akong umalis at nakabalik na sa Pilipinas, patuloy naman ang kontakan namin sa isa’t isa, lalo na ako na mahilig mag-IDD sa mga kaibigan ko sa VA.
Huling pagtawag ko sa kanya, naalala ko sinabi niya sa’kin na magbabakasyon siya at nang pamilya niya sa Korea (Koreano siya). Isang taon lang daw sila dapat doon pero taon na ang mga dumaan at ang balita ko sa mga kaibigan ko sa States, di pa rin daw siya umuuwi sa Virginia. Naiinis ako kasi bitin ang last call ko sa kanya, naubusan kasi akong ng load.
Hanggang sa nagFacebook ako noong isang taon, naging konektado na ako sa karamihan ng mga kasamahan ko nung Grade 5 (at di pa uso Facebook dito, ako lang ata ang taga-Pilipinas na gumagala doon:P). Hindi rin naglaon nakita ko na rin ang nawawala kong kaibiganng Koreano sa Facebook. Magka-contact sila ng isa pa naming kaibigan na kapwa-Asyano rin. 
Eventually magka-Facebook na rin kaming dalawa at nagsulat ako ng PM sa kanya, kinamusta ko siya kaso hindi umimik. Ilang buwan na rin ang lumipas, walang bagong aktibidades ang nangyayari sa kanyang account hanggang sa “POOF”, nawala na rin ang kanyang account sa Facebook.
Gusto ko kasi na mag-usap na uli kami kasi bitin ang huli naming pag-uusap so utang ko sa kanya ang hindi namin pagkakaunawaan kung anuman ang naging huling pag-uusap namin.
Kamakailan lamang ay nagkrus uli kami ng landas, ngayon naman sa MySpace. Ilang buwan ang nakakaraan ay nagtayo ako ng account sa domain na iyon kaso bihira ko lamang ito bisitahin.
Sumagi lang sa isip ko ang kaibigan kong iyon kaya sinubukan ko na hanapin siya sa MySpace kagabi. Nagulat ako na nandoon lang pala siya! Susmaryosep! HIndi naman ako umaasa’t trip ko lang gawin iyon pero hindi ko inaasahan na iyun nga, makikita ko na siya doon.
Alam kong siya iyon dahil bukod sa pamilyar na mukha niya, maraming nagcomment sa profile niya binati siya para sa kanyang kaarawan noong nakaraang taon. Naalala ko pa ang buwan ng kanyang birthday, November so siguradong sigurado na ako sa kanya. Huli siyang nag-online, noong Septmber 18 lang.
Ayon sa profile niya, nasa kolehiyo na siya at kumukuha ng Industrial Engineering bilang kurso niya.
Salamat na sa pagkatagal-tagal na panahon, natagpuan ko na rin siya sa wakas! Salamat!
Share this post

The CSB Experience 2: The Recollecting and the Food-Tripping

 

         HAAAAAH! RECOLLECTION!!!

 

         I was a bit pissed off last week after finding out that I didn’t have a reservation on what was supposed to be my recollection day last September 25 Thursday. Turns out that the day was already full and even if I gave that effin’ receipt earlier to the LMO, it won’t make a difference since it was already full that time.

 

         So I was forced to have my recollection with 41 other souls the succeeding week, on September 30 Tuesday. 

 

         Turns out that I have nothing to worry about since Alyssa is one of those lucky souls as well as ex-Filip13 buddy Edwin. What even made my day is that I am assured that it won’t be a boring recollection day for Sir Aldwin “Sir Intecom/Gepsych” Sanchez’s our facilitator!

 

Yehey for that!

 

Fastforwarding events: 1)I was the first among less than 8 people who took a confession before hearing Mass and, 2) no, we don’t have the Indian priest from last year’s recollection as our mass celebrant (At least no one would laugh at the priest’s English, SHAME ON YOU).

 

—-

 

Okay food-tripping (Alyssa, you know this )

 

We were given food stubs worth 200 Pesos so at least we won’t have to spend the money stored in our wallets (Good since I don’t wanna spend that 500-peso bill my dad gave me early that morning).

 

So here’s what I bought from using those food stubs:

 

1. Kare-kare with rice (Php 65)

2. C2 Malaki Lemon (Php 20)

3. Ice Cream Cake (Php 29)

4. Mineral Water (Php 18)

5. Pillows (Php 8)

6. Crunch for Sheena (Php 40)

7. Nagaraya (Php 10)

8. Blueberry Cheescake (Php 25)

 

And I ate them all!

 

But wait! THERE’S MORE!

 

Later that day I also had:

 

1. Grande Jamocha Almond from Zagu and 

2. Sinigang na Isda with Rise

 

 

Oww..lots of calories consumed…Need to burn them all off tomorrow!

 

Happy Eid Al-Fitr!

Share this post

The CSB Experience 2: Shakey Sabado and a Silver-Filled Revelation

Hahaha! What happened last Saturday was really weird! An Intensity 5 earthquake shook Manila for less than 20 seconds and minutes later we were called by the DO to get our things and go take the emergency way out (We were in the middle of watching a boring yet interesting renaissance art movie for Hartds2 in the 7th floor).

At the time before the earthquake was about to take place, i noticed that my seatmate, Dims, sensed a tingling sensation.  I asked him what’s wrong and…It happened.
The floor suddenly shook and it was moving back and forth from south to north. And I felt  las if surfing except I wasn’t.
And I was like:  “Ah…OoooooOOOOooooOOooooooohhhhhOOOooooOooooooHHH…….!!!”
That was like 2 minutes past 11 am.
By the way, I did mentioned in one of my recent blogs (Freecut Sabado…) that I’ve met one of my ex-batchmates from elementary as my classmate in Hartds2. Well here’s how it went on that day:
After we were told to get out of the building ASAP, I took the opprotunity to approach him and asked him if he is indeed the one I’ve been suspecting for a long time now. Considering that he only knew me when I was a newcomer in Grade Six and he’s about to leave SJA come first year high school, I have to introduced myself to him and remind him things that I’m sure my batch knew me about (the lost St. Mark dude after recess, the guy partner of Mavs who wore his school uniform as a costume for a special dance performance watched by the whole school, and “ang batang dinuraan ni Karmelo sa mukha habang nanonood ng laban ng SJA sa Notre Dame sa volleyball nung PE” among others). He did and we were all like “Ahhh…” and “Okay…” and “Asteeeg!”.
Can’t believe he doesn’t know me despite me seeing his face on multiple occasion as wll as the rest of the people I knew in highschool.
Later that afternoon, I found out that the earthquake’s epicenter was somewhere near Mindoro which recorded a 5.8 magnitude earthquake.
Share this post

The CSB Experience 2: It’s Been A Year…

Hay, mag-iisang taon na noong nangyari ang dapat mangyari. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang maalala iyon kahit nais ko naman talaga na kalimutan ko ang mga naging karanasan ko nung nandun pa ako sa bakod nila. Kung sabagay, hindi naman ako ang unang gumawa ng unang hakbang kahit intensyon kong gawin iyon, sila pa ang unang kumilos bago ko man lang iyon gawin. Oh ‘di ba, kakaiba?
Yup, naalala ko pa rin isang taon na ang nakakaraan…
StAR Week nung time na iyon at nag-iisip pa ako ng org na puwede kong salihan. Siyempre ang una talaga na sinalihan ko ay ang Mediamax kung saan miyembro pa rin hanggang ngayon. Since hindi naman bawal na hindi sumali nang isa pang org, inisip ko na ring sumali sa iba pa na nasa lugar. Una kong nadatnan ang booth ng CSB Debsoc (Debate Society). Medyo curious ako sa totoo lang. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at inisip ko pang magsign up doon. Sa sobrang curiousity ko talagang lumapit ako sa booth nila.
Isa sa mga una kong nakausap na miyembro ay ang presidente nila na si Philip. CDA student ata siya sa pagkakaalala ko, mukhang nakakatakot at matalino, lalo pa’t mukhang authoirty figure siya. Siyempre nag-inquire ako kung ano ang meron sa Debsoc: training, perks, at iba pa. Kumbinsido naman ako kahit kung medyo nano-nosebleed ako sa kanyang pang-iingles. Sinabi niya magkakaroon ng isang general assembly nang mga nagsign up at iyon ang point kung saan puwede kong saan puwede ko pa rin pagdesisyunan kung gusto kong maging miyembro ng organisasyon nila o hindi, may panahon pa.
Marahil, dahil bagong salta ako mula Hilaga (Basta taga-North, Sweet lover!) at walang kaalam-alam sa laro ng buha’t sunud-sunuran, pakiramdam ko na kailangan kong pumunta doon. Binigyang dahilan ko sa sarili ko na makabubuti ito sa akin at siguradong hindi ko ito pagsisisihan. Kaya hayun nga, tumuloy ako sa GenAss nila at naging miyembro ng org nila.
Dami naman akong nakilala na mga bagong kaibigan doon, mapa-beterano man sila o baguhan. Sina Wilson, Nat, Che, Philip, Chicco, Maiko, Maika, Cala, Neri, etc. Sa mga beterano, ang pinaka-naging kaibigan ko ay si (Kuya) Nat [Sorry, tinuturing ko siya kasi talaga na nakakatandang kapatid kaya mataas ang respeto ko sa kanya].
Noong una, medyo nadadalian naman ako kahit papano nakukuha ko ang mga basics nang pagdedeba-te. Pero iyun nga lang, kailangang masanay kami sa maraming bagay. Halimbawa: Dapat, Ingles lang ang gagamitin naming wika sa tuwing nagdedebate kami/nagsasalita kahit hindi nagdedebate, maruno kang maging angas, dapat maalam ka sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa, marunong magtaray, ang pumunta sa bahay ng isa sa mga members-vets para lang magsanay maski gaano mang kalayo iyon at ang pinaka-ayoko sa lahat: ang mabulol.
Habang tumatagal, mas lalo nagiging madugo ang pagsasanay sa’min, ako naman medyo nakaka-develop na ako ng paghihina dala na sa dere-deretsong training, dagdag pa ang iba kong committments tulad ng pag-aaral at pagba-violin.
Nagkakaroon na rin ng conflict of schedule ang pagkakaroon ko ng violin lesson at ng traiing ko tuwing sumasapit ang Sabado. 
Sa sobrang pagbibigat ng mga kinakarga ko, napaisip-isip ko ang naging desisyon ko noon, tinanong ko ang sarili ko kung tama pa ba na ipagpatuloy ko pa ba ito. Hindi ko na kaya ang mga hinihingi nila, lalo pa na nalaman kong may limitasyon ako sa pananalita (pagbubulol/pagsastutter).
Breaking point ko na marahil ay ang nangyari isang fateful na Sabado. May crosstraining ang Debsoc sa debate org ng DLSU-M. Dami kong palpak sa pagdedebate, nakatanggap pa ako ng negatibong remarks mula sa isang beterano galing La Salle.
Doon ko na napagdesisyunan na aalis na ako.
Inilihim ko muna ang nais kong lisanin ang org at ang nakakaalam lang nito ay ang ilan kong malalapit na kaibigan sa org na baguhan. Nahihiya kasi ako kaagad na sabihin.
Iyun nga, dumating na ang time na kailangan sabihin ko na ang dapat kong sabihin. Kaya nung Saturday training day, pumasok ako ng school higit sa 1 oras nang late (galing ako kasi sa violin lesson ko sa Malabon). 
Pumunta muna ako sa Debsoc cube ng Student Involvement Unit para malaman ko kung saang room sila. Nandoon ang isa sa mga vets, iyung naka-salamin. Pumunta na ako sa isa sa mga classrooms sa 4th floor Mutien Marie Hall. Sa loob ng kuwarto may ilang members ng debsoc ng La Salle Greenhills (?) na nagko-cross train sa Debsoc.
Pagkapasok, malaking gulat ko na ang moderator ng Debsoc, si (Kuya) Jay [Huwag ko daw siyang i-“kuya” kasi nakakatanda daw sa pakiramdam ang pagtawag ko doon sa kanya, hihihi!] at si Phil nagtataka’t tinanong ako na “Oh James! I thought you were quitting?]. Ganoon din si Che. Siguro ganoon ang tingin nila kasi hindi ako pumasok nung ilang training sessions dala ng paghahanda ko para sa ilang mga quizzes.
Sa tanong nila, medyo na-insulto ako konti kasi ilang araw lang naman ako hindi umattend ng training at iniisip nila na nilisan ko na ang org!  Hala, hindi naman ata puwede yan. Sinabi ko na lang sa kanila na hindi ako puwede umalis hangga’t hindi ako mamaalam sa kanila ng maayos para kahit papano may pormalidad at direkta mula sa’kin ang nais kong pag-alis. Hindi alam nina Nat na umalis na ako kasi nasa kabilang kuwarto sila. Iniisip ko din na malaking gulat na rin sa kanya ang naging desisyon ko.
Hindi ko naman pinagsisihan ang pagtitiwalag ko sa org pero hindi ko rin naman pinagsisihan na sumali pa ako doon kasi kahit papaano naranasan ko rin naman ang pagiging debater-in-training kahit ilang saglit ibigan lang.
Lumuwag ang libreng oras ko at naging malaya na sa mga bagay na gusto kong gawin. Naayos ko na rin kahit papaano ang naging malabong relasyon ko samg blockmates ko dala sa mga oras na hindi ko sila nakilala nang mabuti (Pagkatapos nang nilisan ko ang Debsoc, doon ko lang nalaman na naging sila na pala nina Issi’t Marlon).
 May magandang bagay din ang naidulot sa pagiging miymebro ko doon kasi nagkaroon pa ako ng mga kaibigan na nakikita ko pa rin naman mapa-hanggang ngayon.
Sa kasamaang palad, medyo nahihiya na rin ako sa mga beterano kasi bukod sa nirerespeto ko sila, alam ko na masama ang loob nila sa akin (kahit hindi halata sa mga mukha nila). Natatakot akong kumaway sa kanila tuwing nagkukrus ang mga landas namin.
Pero masaya ako na napanatili pa rin namin ni Nat ang pagkakaibigan namin.
Huling balita ko sa org ngayon, medyo nagkaroon ng konting hindi pagkakaunawaan sa ilang miyembro at karamihan na rin sa mga kasamahan ko ang umalis na rin sa doon.
Kahit ganoon ang naging kinalabasan ng aking pagiging miyembro ng org, hindi ko ito pinagsisihan. Sana lumago sila’t maging matagumpay sa kanilangmga  mithiin!
Share this post