plus pics of UST HS and Angelicum students.
Category Archives: saintjamesacademy
The CSB Experience: Ang Mga Jamers ng DLS-CSB
Malaki ang gulat ko mula noong first day na di ko makikita ang karamihan ng mga kasamahan ko sa SJA na nasa CSB ngayon kasi magkaiba ang mga oras namin. So far a total of 11 Jamers (including an ex-Jamer) are composed of the froshies coming from Saint james Academy. Majority HRIM ang course, ilan ay MMA, may nag-Industrial Design, others: ewan ko na lang.
Here’s my partial and unofficial list of these Jamers from Batch 07:
- Angelica Punto
- Justin Santos
- Russel Plata
- Fred Dela Peña
- Maan DOmingo
- Liana Agbayani
- Joseph Alipo-on
- Nicky Aquino
- Alvin Santos
- Francis Calayag
- Caroline Santos
- Nikko Plata
I also saw an alumnus of SJA from Batch 05 or 06.
SJA CLUB DAY
SJA Intramurals 2006 Part One
The J-Pics Best Album
J.I.A. (James In America): May 18, 2001 Friday
Oh gulat na kayo ‘no? Naalala ko pa rin ang araw na iyon kasi ang remembrance ko para malala ang petsa ay dahil linggo ng eleksyon iyopn eh. May 14 ng Lunes ay mid-term elections kaya heto pa rin still remembering the good ol’ times.
O sige, stick with the program na ako. Ang araw na ito ang nagbukas ng pinto sa akin sa bago kong mundo, sa baong tirahan at sa bagong pagkakataon na maari kong gawin. Nasa Amerika na kami ng mga kapatid kasama ang mga magulang ko at ng lola ko. Nung May katorse pa pumasok sina Ate’t Kuya sa eskwelahan na H.W. Longfelow Middle School. Unfortunately, kahit nung nasa SJA sila ay incoming 3rd year at 2nd year high school sila respectively, bumaba ng ilang taon kasi ayon sa US standards, ang ga kagaya nina Ate ay dapat pumapasok pa lang sa middle school kaya si Kuya nasa 7th Grade at si Ate sa 8th Grade.
Ako, pina-spend uli ako ng Grade 4 kasi May na, isang buwan bago matapoas ang current school year 2000-2001.
PInakilala ako sa vice principas ng eskwelahan (Haycock Elementary School) na si Mrs. Docery. Mabait siya at tinulungan kami ng bunso ko na mabigyan ng quick tour ng school. Kaso, kailanagan muna namin maging tahimik kasi nagrereview ang buong student body para sa nalalapit nilang SOL Test (Standards of Learning). Eventually, pinakilala na ako sa m,giging homeroom teacher ko sa inassign saking section sa 4th Grade. Pangalan ng bago kong guro ay si Mrs. Shoemaker, malaking babae na may orange na buhok. Bahala na raw siya sakin sabi ng parents ko kaya iniwan na nila ako.
PInagpatuloy niya ang quick tour sa’kin, ang clinic, ang mga fountains na nakadikit sa mga pader, ang super liit na comlab, at siyempre ang kalooban ng bago kong magiging silid-aralan. Kainis nga at wala akong dala masyadong mga gamit, naiwan ko pa ang bagong bili sa’king binder na may mga lamang papel na pin-uncher na may tatlong butas. Wala pa nga akong dalang lapis, sobrang kahihiyan ang naramdaman ko pero ok lang. Wala naman akong paki kasi dumating na ang mga magiging mga kamag-aral ko sa nalalabing buwan ng 4th quarter. Nagulat na sila nang makita ako. Nagsilapitan ang karamihan sa’kin.
Tapos, pinatayo ako ng Mrs. Shoemaker para magpakilala ako sa kanila. Medyo nahihiya ako’t kinakabahan. Nagsasalita nga lang ako nanginginig na ang mga binti ko pati na rin ang pananalita ko. Hindi kasi ako sanay na mag-Ingles na ganoong kadalas. Kung magpakilala nga ako parang kinekuwento ko na buong buhay ko kaso sobrang nahihiya kasi ako kasi ngayon lang ako kumausap gamit ang wikang hindi namana talaga ako komportableng gamitin. Iyun nga lang, naulit iyon nung bumalik ako sa Pilipinas at naakapag-aral sa SJA. Pinaupo ako sa dulo, ang mga katabi ko sa upuan ko ay mga naging friend ko, si Will, si April, at si Artium. Medyo halo nga kami dito ng lahi, may Hudyo, may Ruso, may Koreano, at pati Malaysian.
Maaga pa rin naman at katatapos pa lang ng unang klase, ang sumunod na kasi eh, kung nalala ko pa eh PE na. Ang teacher ko sa PE ay si Mrs. Krenzberger. Ang pinalaro lang samin ay isang ball game na kung tawagin ay “SIberian” kaso di ko sure nga kung ito ang tawag kasi parang walang pinagiba sa touchball kasi layuinin nito ay hati sa dalawng grupo, pareho magbabatuhan ng bola sa kabilang grupo.
Ang nakakatuwa, saya nilang makita ako, as in super excited! Sigaw sila ng sigaw na “We have a new student!!” Paulit ulit ito. Suwerte ko nga kasi special day iyon, may one time experience kami na maglaro ng bowling sa labas ng school grounds. May isang saskyan na may built-in na bowling alley. First time ko rin naman, pinauna na rin ako. 1st try, bio pero nd is a charm, ‘ika nga. nakatumba ako ng halos buong set.
Sumunod ay tanghalian na, pinapunta na kami sa canteen (o cafeteria). Bawat isa ay nakalinya at may hawak na tray. Ang linyang iyon ay papunta sa kusina kung saan self-service ang pagkuha namin sa mga kakainin namin.Problema nga lang, pagpasok ko, ang mga kasamahan k ay may mga student money cards na maihahambing sa mga totoong credit cards. Wala akong gaon pero ksince first day ko nga naman, libre muna sakin. Gulat ako sa mga nakita ko! Merong mga nakahandang mga milk cartons, na may lamang gatas! Can you bvelieve it, totoo pala ang ga ito, di pala kungwarian ang mga nakikita natinsa TV. Siyempre, ang kinuha ko ay yung chocolate na gatas. Then, isang pre-made PBJ sandwich ang kunha ko pati mga assortment ng mga pagkain na mula sa lahat ng limang food groups!
Siyempre, inofferan ako ng upuan. Mga katabi ko sina Eliot, Will, APril, Rachel, Clementine, Artium at marami pang mga onlookers. Siyemperds, kinakbahan ako. Mga tanong nila ay “What’s your name?”, “Where are you from?”, “Where in the place is the Philippines?”.
ANo kaya no, kung Amerikano ako at new student pa sa Pilipinas, anong klaseng treatment kaya ang mararanasan ko? As of this writing, naalala ko tuloy si Raymond Anderson nung 2nd Year. Kung anong harassment ang ginawa nina Marriz sa kanya, kawawa naman iyon. Kung magturo sila ng Tagalog, di tagalog ang tinuturo kungdi panay mura! Nasaan na ba ang Pinoy hospitality diyan? Haay.
Balik sa kwento ko, trenta minutos lang ang lunch time na nakalaon sa 2 section ng grade four at di siya sabaya sa 2 pang section at ng ibang grade level. Buti nga lang nakita ko ung Pinoy friend ko sa school na si Abe Guniguindo nasa Grade 5. Di kaagad kami pinaalis pero pinaupo kami sa sahig malapit sa upuan. Orderly dapat at 2 maayos na linya ang dapat makikita. Inisip ko tuloy ano na next. Sabi nina William, recess na! “Recess?!” Kakakain ko nga l;ang, mag-rerecess na? Siyempre, iba ang indset ko ukol sa “Recess” at hindi ang tipo na recess na nararanasan sa SJA. Ang iniisip ko na recess that time ay lalabas at maglalaro kaso, praktikal ba iyon kung bagong kain ka. Sayang nga lang at di ako nakapagtanong kung bakit.
recess nga, medyo ang soccer field sa tabi ay medyo mabato, di advisable na gamitin kaya inanyaya na lang ako maglaro ng soccer sa blacktop. Di nga lang ako tumagal ng 5 minutes kasi, tinamaan ako kaagad ng soccer ball deretso sa mukha ko. Salamat na lang, di basag ang salamin na suot ko, or worse: pati mukha ko baka mabasag.
Umayaw na ako sa paglalaro pero nangako naman ako na makikipaglaro ako sa kanila ng soccer kapag handa na ako. Lumibot ako sa buong playground at nasiyahan kasi kumpleto sila sa mga pasilidad. Di siya kagaya sa playground sa dating school ko na halos wasak na pero ginagamit pa rin. 30 minutes ang recess pero parang isang oras sdahil sa sobrang saya ko.
for the rest of that period, nagswing lang ako, saya kasi ibang klaseng swing ang naransan ko. Matangkad ang structure, matibay ang chain at hindi kahoy ang upuan kungdi rubber. Ang playground area, bukod sa blacktop na reserve for basketball and the like, ay binubuo rin ng sangkatutak na wood chips. Di ko mapaliwanag pero lupa siya na kinoberan ng wood chips. Mga sixty -plus degrees celsius nung araw na iyon, ang suot ko ay t-shirt, maong pants at sweater na pambalot sakin kapag palabas ng bahay. Kapag hindi naman, tinatanggal ko ito whenever I’m inside (konyotik naman tong panunulat ko).
Last two periods na, ang una ay Social Studies. Siyempre, wala akong ka-ayde-idea sa mga lesson nila sa Social. Ang tinuturo sa mga 4th grades d2 ang kasaysayan ng Commonwealth of Virginia at ang geography nito. Doon ko nalaman na mga higit sa limang rehiyon ang humahati sa VA. Ito ay ayon sa klima, physical resources at demograhic differences.
Ang huli naman ay ang ayaw kong subject kailanman, MATH! AAHGGGG! Bale, surprised ako kasi past lesson na para sakin ang lesson nila nug time na iyon. Dividing long division Using Decimals. Bale, iba ang method nila, ang decimals, binabag nila at ginagawa nilang mga fractions. Kungwari 1 over 2 is 0.5, sa kanilang hindi decimal method ang ginagamit kungdi fraction method, deretso na kaagad one half ang ilalagay nila. Well, naninibago ako kaya halos mali ang nasasagot ko sa decimal method ako, sila hindi.
3:20 na ng hapon. Uwian na, excited na ako sa mga mangyayari pagpasok ko na sa susunod na lunes. Kaso, di kaagad puede umuwi kasi by order siya. Meaning una ay ang Walkers o ang maglalakd lang pauwi, tapos Kiss and Ride, yung mga susunduin ng ga magulang nila sa parking lot and then yung mga saskay sa mga school bus. Excited nga ako sa school bus, buti nga naaalala ko na bus no. 1 ang naassign samin, kasi ang lugar namin, malapit sa ginagamit nilang ruta. Tumakbo ao palabas para hanapin si Jorge kaso pinigilan ako ng mga student patrol at nagsasabing bawal tumakbo. Nagpaliwanang ako na kailangan ko lang hanapin yung bunso ko para makaskay na kami sa bus. Eventually, nagkita kaming dalawa at magkatabi kami ng upo. Busmate rin namin si Abe (na nasa Ateneo na nag-aaral ngayon).
Ang saya ng pakiramdam ko nung panahong iyon. Simula na kasi ito ng bagong pakikipagsapalaran for me. Bagong tao, bagong maiiwasa, bagong pakikisamahan, bagong aatupagin at marami pang iba. Doon ko lang naramdaman ang pakiramdam kung paano pala maging isang estudyante sa Amerika. Ganoon pala ang feeling. Start na rin iyon ng magiging pangmatagalan na samahan sa mga naging malalapit ko nang kaibigan na friends ko na rin sa FACEBOOK.
Sa Haycock ko na rin naransan ang huling beses na matawagan ako sa palayaw ko na James imbes na Jaime. Nalilito nga sila sa pangalan ko eh kaya nag-stick na lang sila sa James. Di ba, saya?
The J-Blog Files
Saint James Academy Alumni Association, Inc. 2007 Induction of the Board of Trustees and Class Representatives
High School Graduation
6…1…2…3…4…SJAHS: Ang Ikaanim na Baitang
Kamakailan tumingin ako sa mga dating kong mga litrato na kinunan ko noong mula Freshamn ako hanggang sa huling solid na piture ko nung third year. mula third year onwards digital pictures na ang inaatupag ko kaya plano kong iprint ang mga kuha ko. Kasama na rin ang mga kha ko nung grade six na sa kasamaang palad ay nagsiwalaan at ang tanging nakita ko lamang self-taken photo ko ay ang kuha ko dati kay Maviel noong GS Intrams 03.
I. Ikaanim na Baitang
Naaalala ko pa ang unang araw ko sa Saint James Academy of Malabon, July 1, 2002 kasi napakadaling tandaan. Ito rin ang araw na nalamn ng buong student body (exaggeration na ito) na kuwela ako kasi mula noong na-late ako sa linya nung unang kong Recess (properly pronounced as rhee-sehs hindi rih-ses), hindi ko alam na ganon pala ang gawain. Ni walang tao nga ang puwede kong malapitan. Buti nga may taong taga 6-Saint John ang nagsabi na dumiretso na sa classroom ang seksyon ko.
Hindi nga ako makapgsalita ng deretsong Tagalog kasi isang taon akong nasanay na um-Ingles sa labas ng bahay kaya nung mga early days ko sa school, todo to the max ang pagkakabulol ko minsnan lalo na ang mga sasabihin ko sa Tagalog pero hindi naman iyon tumagal kasi nakapag-adjust na ako. Yung English ko, okay naman pero kasi nga hindi ko na nagagamit yung wikang iyon na as much as what I used to nung isang taon, na-supress ko konti yung natamo kong accent pereo napanitili ko yung pagsulat ng English na napakahaba at, ehem, makabuluhan.
Dami kong nakilalang ga bagong tao diyan sa Siant James, initially si Maviel iyung una kong nakilala kasi siya iyung huling tao noon sa classroom ng Mark nung time na malapit na mag-Flag cemerony. Tapos ang mga seatmates ko noon, si Vladimir, si Rob, si Shielo at Antonio. sa Kana ko si Potpot na palagi noong inaasar ni Piton kaya hindi ko mapigilang tumawa kasi natatawa ako sa antics ng dalawang ito.
Naranasan ko na muli mag-school uniform: polo shirt na may logo na patch sa left pocket ng polo, dark navy blue pants, sando, standard white socks at black leather shoes. At first, kailangan kong mag-adjust sa uniform ko kasi naiinitan ako at nasanay katawan ko na magsuot ng loose na damit lalo na ang time of the year noon ay painit palang sa America, gumagala sa July nang mula 60 degrees fahrenheit hanggang 72 at ang peak nang init ay mula 80 degree to 90 degrees Fahrenheit sa Agosto. Iyon malamng ang dahilan kung bakit pinagpapawisan ako madalas kapag umaga kahit wala pang nagagawang mabigat na gawain o kahit na hindi pa gaanong umiinit ang araw.
Then halos wala akong kakilalal sa Saint James except siympre sa mga pinsan ko sa GS at HS plus ang ga kapatid ko sa Grade 4 at HIgh School. Sa batch ko, si Louie a.k.a. Mary Louise Vito ang kilala ko sa buong Batch 07. Dun ko nga lang nalaman ang buong pangalan niya, eh. Hehehe, nakakatawa nga.
First time ko ring maging estudyante ng isang Catholic school kasi iyung mga nkaraang school ko, non-sectarian schools kasi sila. Iyung first ko, ang Saint Mary Montessori Center ay isang private school sa Valnzeula na may annex bulding sa Meycauayan. Ang second ko, Haycock Elmentary School, American public school iyon na member ng Fairfax County Schools kahit nasa teritoryo siya ng City of Falls Church. Ang Haycock ES rin ay bahagi ng school pyramid kung saan ang mga estudyante ay automatic lumilipat sa sa susunod na eskwelahan na mas mataas ang mga nilalamang baitang. Kung kapag graduate ka na ng Haycock ES, magmi-middle school ka na sa H.W. Longfellow Middle School para mag 7th and 8th Grade then deretso nasa McLean high School para tapusin ang 9th-12th Grades mo.
Ang nakakainis nga lang na ang stigma ngmga batchmembers ko mula pa sa elementary ay iyong mga presumptions nila. Kahit ilang beses ko na klinaro sa kanila ang lahat parang hindi nila pinainiwalaan at kung ang belief nila, iyun ang napapanindigan. Heto ilan sa kanila:
1. Galing ako mula sa States (Galing yes pero hindi ako taga-States, nagtsay ako doon ng isang taon kaya hindi bagay na sabihing galing ako mula sa States. “Galing sa…” okey na basta huwag nang idagdag ang mula)
2. Kailan raw akong nag-Tagalog (Hello!? Mother tongue ko kaya ang Tagalog, second ko lang ang English. Hindi ako laking States, isang taon’t mahigit lang ako doon)
3. Bakit ka umuwi (hoy, ano gusto mo akong manataili doon kahit ma-eexpired ang tourist visa ko diyan ng ilang pang buwan? Ayoko nga, habulin pa ako ng Immigration at Hmeland security).
Heto ang mga tanong talaga na nakakairita na malapit na akong sumabog sa galit.
Ung Grade six nga, doon ko naranasan kung gaano ka-disunited-oriented ang mga batang Pinoy ngayon. Wala silang napagkakasunduan, personal na interes lang ang nasa isip at kalat ang kurakot (i.e. pangongopya at pagpayag ng kopyahin ang mga assignment ng kapwa kamag-aral). Dito pa langsa klasrum ko nakikita kung ano ang magiging kinalabasan paglabas namin. May president nga kami pero sino ang nakikinig, hindi ba wala. Kapag nagrorosaryo (kailangan ko ring mag-adjust para diyan kasi di ko alam ang mga dasal sa Tagalog at ang 5 days a week nilang pagrorosaryo), si Renz, salita ng salita na sinasamhan siya ng mga daldalaero’t daldalera. Wala ang president namin kasi GS SCC-Execom siya (puwede pala noon ang double posts sa GS?).
Nungbgrade six, naransan ko ang:
1. Unang retreat -sa isang retreat house malapit sa Siena College of San Jose [del Monte] na naka-encounter kami ng White Lady.
2. First series ng mga kamalasan ko sa SJA-example: Hindi pagsipot ni Redan nung retreat namin kaya kailangan kong magshare ng room kina Rob at Von, si Karmelo na nagdura ng laway sa mukha ko direkta, hindi pagpasa ng project sa Reading kaya nagalit sa’kin si Ms. Buenaventura.
3.First series ng mga nakakahiyang moment ko sa school-1. Nagsuot ako ng school polo shirt sa sayaw namin ni Maviel kasi nakalimutan kong mag dala ng polo shirt (nakakahiya!)
4.First Confession since Holy Communion noong December 10, 1999-Hindi ko pa alam ang proseso ng confessio sa Saint James kaya ayoko pang isipin ang pangyayaring iyon.
5.Pagkakataong nakilahok sa isang Stage Performance-1.The Creation, 2. Mga Sayaw nung 1960’s hanggang sa New Millenium
6.First SJA Field Trip-1.second to the last batch kami na pumunta sa Corregidor. Nain-love si Maviel sa isang Americanong turista na galing TX. Grabe ang pagmula noon ni Maviel kasi nahihiya kaya ako ang napili niyang sugo (mensahero) para sa turista na hindi na pala single kasi kasama nya ang girlfriend niya.
7.First Xmas Party sa SJA-Wala nga lang akong mga kakwentuhan kaya halos maiyak ako noon lalo pa’t for 5 yearts straight, wala akong natanggap na personal Christmas gift sa kahit sinong ka-batch ko.
8.First Kalokohan sa SJA-nangilang-ilang tawag at text ako kay Maviel (amit ang dating cellphone number niya) at pinamukha kong ibang tao ako (5 years later umamin ako)
9.First time na mamasahe pauwi-Nakakahiya pero kinailangan ko nang matutong umuwi ng mag-isa kasi nagkakaroon na ako ng araw na late than usual ang labas ko. Doon o nadiscover ang wonders ng Financial management at mismanagement.
10.First time na nalamang kong inferior ang mga kakayahan at natural talents ko kumpara sa mga batchmates kong super talented sa kanilang kakayahan. (Hindi na ako muling sumayaw hanggangs a second year pero hindi ko na napgpatuloy; sa pagguhit pa lang alam kong 3 rate artist ako in contrast kina Von,. JB, CJ at Onang na talagang hasang hasa)
11.First time na nagsimula kong pagliitin ang sarili ko-Ewan ko kasi sa pagiging competitive among sa mga estudyante napapabilang na ako sa mga average na estudyante.
12. First time makaranas ng segregated classes-hiwalay ang mga lalake’t babae sa PE at HELE
13.Paghanga ko sa Camera simula sa Corregidor trip at ng GS Intrams 03
Pero sa grade six, despite sa inferiority complex ko napatunayan k pa rin na angat pa rin ako kasi at least may isang bagay na wala ninuman ako makakaagaw mula sa akin. Buti na lang at nag-eexcel ako sa Araling Panlipunan. After years ng pagbabasa ko ng mga Social Studies books sa bahay namin mula Grade 1 hanggang sa 3rd Year Aralin, namemroize ko ang mga events kahit hindi man ekstakto. Mataas usually ang recitation grade ko at mga quizzes ko pagdatingsa Aralin. Pero dahil nga sa pagiging excelled student ko sa Aralin, ako palagi angagawang KODIGO ng mag ibang students. Kung bakit hindi na lang bashain ang mga lesons sa Aralin. Madali nga ang Aralin kumpara sa ibang subjects kaya bakit pa naman sila mahihirapan doon. At least doon, analamn kong hindi ako feeling inferior. Hndi sa nagmamamayabang ako pero doon ko nalamang na ang mga nakakayanan at hindi nakakayanan ng isang tao.
Writer’s note: napapansin kong nababanggit ko si Maviel ng madalas. Maviel, sensya na…huge part ka ng first year ko sa SJA eh.
DURUGTUNGAN……….



