
Waahg, Season 1.
American version na naipalabas sa Fox Kids nung 2001. Nakakamiss na talaga!
During much of the duration of the first term, I got to know my blockmates and I can’t help but say that we all got along pretty well. Here we are:
At iyan ang grupo ng mga makukulit, maiingay, maganda, maskulado, at marami pang iba. Galing man sa iba’t ibang lugar, dumayo man mula sa kalayuan ng Rizal, sa mga La Paz batchoy ng Iloilo, hanggang sa Bundok Apo ng Mindanao. Mananatili mang isang seksyon grupo sa loob ng tatlong buwan ngunit pagsasama’y magpakailanpaman.

By James Habitan
Ika-20 ng Marso 2017, ito ang gabi ng High School Reunion ng Batch 2007 ng
Maraming mga pamilyar na mukha rito: si Lani Reyes na medyo reklamadora, ngayon isang magaling na florista na may negosyong flowershop sa Navotas; Si Rang Cabanatuan, ang pinakasikat ng lalaki ng buong batch, rising star na ngayon sa Philippine Basketball League; at ang dating mataba na si Ronald Patrimonio, bodybuilder at gym instructor na siya sa Tonsuya, pagkatapos iyon sa maraming taong pagbubuhat ng weights sa Asmeg.
“Gabby? Ikaw ba iyan? Ako ito, si Cam!” sabi ng isang alumnus. “Cam? Ikaw nga ba iyan? Grabe, pare! Laki ng ipinagbago mo?” sabi ng isa pa. “Ahhh!! Ranelle, tagal na tayong hindi nagkita, as in!” sabi ng bruhahaha queen na si Mana Dominguez, “Friend, you look so yaman na? Sexy mo na, ha?”. “Well, not that I’m bragging anything, ang nakikita mo ngayon ay resulta ng aking pagpapa-lipo, courtesy of our dear friend, Dra. Augusta Singson-Calayan!” pagmayabang ni Ranelle kay Mana. Sa isang sulok ng auditorium, may mga magkakabarkada na ngayon lang muli nagkasama, “Lucky, ‘musta na ‘tol.” Bati ng Ron Valencia na dating kartunista ng pahayagang COX. “Well, okey lang ako, ineenjoy ko lang ang reunion”, sumagot ang Artist of the Year na si Leo Ramiro”. Nagtanong ang kaibigang si Jaycee Carlos, “Rinig ko, Lucky (palayaw ni Leo), nagpropose ka na kay Selina?”. “Tinanggihan niya ang alok kong magpakasal. Hindi raw siya handa, kaya cool-off muna kami pare” lungkot na sagot ni Lucky. “Dude, huwag ka mag-alala. Tingnan mo naman ang relasyon nina Rico Hizon at Angge Romero, Rio Sena at Nicolesa Aguila, Penang at Rev, Luisa Liu at Mari Collum, at Lauro de Tagle at Rita Borle. Lahat sila, dumaan sa mga awayan at hindi pagkakaunawaan, ngunit, naayon rin nila iyon dahil may tiwala sila sa isa’t isa”, payo ni Ron , “Hintayin mo ang pagkakataong stable na ang relasyon ninyong dalawa at magsasama kayo ng matagal”.
Samantala, pinag-uusapan na marami ang palapit na pagkakasal ng dalawa sa pinakasikat at pinakamatalinong miyembro ng kanilang batch. Dumating na rin sa wakas, ang hinihintay, ang magkasintahang Mariel Rodriguez at Kenmark Reynes. “Friendship, happy kami na ikakasal ka na. Inggit ako sa’yo”, maligayang sinabi iyon ng matalik na kaibigang si Shiela Hermosa. Sagot naman ni Mari, “Well, what can I say? I never thought that I can find the perfect guy within Kenmark. Hindi ko nga rin akalain noon na magiging kami na pagdating ng college!”
“Sweetheart, iwan ko muna kita rito, pupunta lang ako sa restroom at babati na rin ako sa dating nating kaklase” nagpaalam si Kenmark. Paalala ni Mari, “Okey, honey. Balik ka kaagad, ha?”. Lumapit na rin kina Mariel at Shiela ang ibang miyembro ng MRICF o ang Mariel Rodriguez’
of Friends. Sinabi nina Cornelle at Janna, “Wow, naman Mariel. We can’t believe na magiging kayo pala ni Kenmark. Tingnan mo pa naman ang engagement ring, it’s so socially expensive!”.
Sagot ng dalaga,“Yeah, I can’t believe that he used all his earnings from his law practice to buy me this”. Nagpaalam si Shiela, sinasabing “Mari, alis muna ako, may aasikasuhin lang ako”. Pumayag si Maviel.
Lumalim ang gabi at painit pa lang ang party.Si Clarissa nagkitang magkaholding hands sa nobyong si Mundo de Gracia. Si Pernille Pinatagon-Lemonezo naman ay nakitang magholding chin sa asawang si Ren Lemonezo. Si Michael Ray Gervacio nga lang ang nag-iiba, kasama niya nung gabing iyon ang mapapangasawa niyang si Aimee Resurreccion na isang graduate sa St. Mary’s College sa Meycauayan imbes sa Saint James. Nagkita muli ang ngayo’y sikat na indie artist na si Rogie at ang kasabayan nung hayskul na si Zeke na ngayo’y executive na ng Ayala Real Estate Holdings.
Hindi naglaon, napapansin na ni Mariel na matagal na niyang hindi nakikita si Kenmark. Hinanap siya sa kung saan. Tinanong niya Si Denmark Lubao na kasintahan ni Lani R., si Rikko Del Espiritu na isa nang member ng isang sikat na dance troupe, at maging si Czaramara Maca-ajon na isang militante ngayon ng grupong Gabriela. Lumabas siya ng auditorium at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya si Kenmark, ang kanyang nobyo at malapit na maging asawa, at ang kanyang matalik na kaibigan, si Shiela, magkayakap at naghahalikan sa tabi ng balcony sa kabilang building ng eskwelahan. “KENMARK! SHIELA! What’s the meaning of all these?! Kenmark, ano..ito? And Shiela, how could you do this to me?!” Galit na tinanong ni Maviel ang dalawa. “Uhm, Mariel, let me explain all of this”. “No Kenmark, answer me this! We were on for six years, for goodness sake! Minahal kita at minahal mo ako! Ano ang pagkukulang ko!? At bakit ikaw, Shiela, kaibigan ko pa naman kita?!”. Takot na sagot ni Shielo ,“ I’m sorry Mari. It’s just that, pa mula nung bata pa tayo, may pagtitingin na ako kay Kenmark”. “She’s right, Mari, akala ko , six years ago, sure na ako sa desisyon kong maging tayo. But, I felt that something was missing. I felt that whenever you’re with me, I can’t feel the happiness I expect that I’d be getting from the one I love the most.. It was Shiela all along. Sorry if I was not loyal to you, but I tried my all not to let this happen pero nangyari ang nangyari”. Pakiusap naman ni Shiela, “Mariel,
Pero hindi nakinig si Mariel, “How could you do this to me?” Umalis si Mariel na luhaan. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari. Palabas na siya sa gate ng school nang may nakabangga sa kanya. Nagalit si Mariel at sumigaw sa bumangga sa kanya “Hey, watch where you’re going. Bulag ka ba?” Lumingon siya at nakita kung sino ang kinakausap niya. “Mariel, ako ito! Di mo ba ako natatandaan?”. Naalala nga ni Mariel ang mukhang iyon. Siya ang dating baguhan sa eskwela na huling pumasok at siya lamang ang tao sa silid-aralan kaya tinulungan siya ayusin ang mga gamit nito. Nakita ng lalaki na umiiyak si Mariel kaya dinala niya siya paakyat ng auditorium. Sinabi ni Mariel sa kanya ang sitwasyon niya habang nakaupo sa isang mesa. “You know, you can’t really tell what love can do to a person. Minsan, ito ang nagdadala sa iyo sa wagas na pag-ibig , kung minsan, hindi.” Sagot pa ni Mariel sa kanya, “Napaka-unfair na ganong concept. I never realized kung gaanong kumplekado ang umibig”. May naisip na suhestson ang lalaki, “Alam ko na, para naman makalimot mo si Kenmark, try moving on”. “Paano naman?” tanong niya.
“Heto, tutulungan kita”.
Mellow music naman ang tinutugtog ng DJ, kaya perfect ito para sa kanilang dalawa. Nagyakapan sila at nagsimulang sumayaw.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, magaan ang pakiramdam ni Mariel habang katabi siya, hindi niya ito maipaliwanag. Malamang ito raw, inisip niya, siguro ang ibig sabihin sa kanya ni Kenmark. Hindi naman niya alam na may pagtingin rin ang binatang kanyang kasayaw. Mula pa noong una silang nagkita ay may crush na siya sa dalaga. Ngayon lang niya na-realize na pagmamahal pala ang nararamdaman niya kay Mariel.
Habang lahat ng mga alumni ay sumasayaw nung gabing iyon sa kanilang high school reunion, ang tinugtugtog ngayon ay ang awiting“Sana Ay Ikaw Na Nga”.
WAKAS
*kung gusto niyo malaman kung sinu-sino sila, abangan ang original version
Hi Guyz! This an update on what the class of 2007 are up to 5 months after graduating from SJa last March 29, 2007.
Looks like many of us are getting well-adapted to our new surrounding now that we’re now blenidning in to our college lives. Maviel was privilege to talk to AdMU senior men’s basketball team, I just found out that Russel I. came home for vacation (may nadevelop na kayang twang siya?), si JB magsisimula nang pumasok sa Grade 11 sa FL, si Camille rinig ko magdedebut na, at so on and so forth).
Sa totoo lang, wala talaga akong balita sa kanila, ang tanging bagay na nagbibigay-alam sa akin sa mga kaganapan ay ang Multiply websites ng mga kasamahan ko galing HS. Paminsan sa Friendster pero sawa na ako dyan kasi Multiply at Facebook ang inaatupag ko ngayon.
Nga pala, nagkatoto na ang binaggit ko noon tungkol sa nabigyan na kalayaan sa paghuhusga ng kapalaran ng mga istura natin. Si Mechel, nakita kong long hair na, si Robin at Jeco kapal bangs, si Ace may butas sa tainga….Kaso, sila lang mga nakikita ko lang sa side namin ng Taft. Ano kaya ang itsura ngayon ng ibang Jamers? Hmm…
Kamakailan lamang, nagkaroon ng mini-class reunion ang IV-Dominic nung kaarawan ni Ms JQ (the same day as ang big game ng Ateneo at La Salle nung July). Si Errald medyo matangkad pa rin, si JM di pa rin nawawalan ng paraan para gumawa ng ka*alang hayaan sakin, si Paolo proud and true Bedan! Yeah! Si Sandy, proud Malabonian kasi sa CMU siya nag-aaral, nagsimulang nag-aral sa malabon, sa malabon din siya tatapos (kaya ako hanga sa kanya). Si Czarmaine, wala paring pagbabago. si Pat, mukhang teacher na, hehehe. Si Kat di ko naabutan sayang.
Sa Enigma siguro makakaalaman na kung ano na ang nagyari sa isa’t isa kahit marami rin ang tiyak na di makakapunta. Ako nanganganib na hindi makapunta kung iyon ay gaganapin sa huling sabado o biernes ng october na parehong linggo nang posibleng pagsabak ko sa inang paligsahan sa Baguio. Kaya ipagdasal niyo na lang na makakarating ako sa Enigma para kunan ko kayo ng mga litrato!
FOR GOD, FOR COUNTRY, FOR SAINT JAMES!!
Sa ngayon, inaaupload ko muli ang lahat ng mga original videos ko sa Youtube after na disabled ng website ang current account ko. Ngayon, naiiyak na ako dahil mukhang di ko na makita ang video file ng La Semana Pasada na ginawa ko noong March 2007 bago pa man kami grumaduate ng high school nung March 29, 2007. Jung di ko makita ang video na iyon, iyon na ang pangatlong SJA movie na nawala na nang tuluyan.
Can’t believe I still remember this dream that I had last night. I dreamt that I was in a classroom full of blockmates and we had a guest sitting in a wheelchair telling us about something. Suddenly, one of my “classmates” just came in looking surprised as he passed through the wheelchaired guest.
The next thing I know was that the guy in the wheelchair started crying saying that his wallet was missing, he believed it was stolen and the only suspect was “my classmate” who looks like one of Justin’s classmates who are Chinese-looking. The “classmate” kept denying that he stole the guy’s wallet and started to cry too. The next thing I knew, i woke up and had a hard time putting myself back to sleep sine then. And that was last night LOL! My dream ended without giving any conclusion, how sad :):):)
What’s weird is that my dream showed a complete detail of what my “classmate” looks like. Maybe someday, I’ll be dreaming of “classmates” who look like the classmates of others. Pweegh!