
Pinoy Big Brother 6
Sa mga Papasok na Housemates,
Habang binabasa niyo ito, marahil kayo ay nasa kalagitnaan ng pagsesequester sa kanya-kanyang hotel room sa Maynila (at maaring hindi mo ‘to mabasa kaagad), kung saan ay naghihintay na lamang kayong lumipas ang isang linggo bago kayo pumasok sa bahay ni Kuya para sa makasaysayang nitong ikaanim na regular season (ikalabing dalawa sa pangkalahatan) at ikasampung anibersaryo.
Sa inyong pagpasok, magiging bahagi na kayo ng isang naatatanging pangkat ng mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na binigyan ng pagkakataong manirahan kasama ang mga kapwa estranghero sa loob ng higit-kumulang na 15 linggo na walang contact mula sa labas. Para maglaro sa isang palabas na may mga hindi-inaasahang twists at turns, magawang lagpasan ang bawat nominasyon at evictions, maging ang pagpipintas ng publiko hanggang sa ikaw na lang ang natatanging natitira.