The CSB Experience: Term Breaker 1

    Hay, mabilis tumakbo ang isang linggo. Bukas, simula muli nang bagong term at papasok uli ako sa mas maagang oras. Imbes na alas dos y medya ang unang regular na pasok ko, alas onse a diyes na ang simula. Kainis naman, eh di ibig sabihin, mas maikli ang C-Break namin, grrr…. Well, Kolehiyo naman iyan, nagbabago. Ang nakakainis rin eh, inusod hanggang mag sampung minuto bago mag alas siete ang ang labas namin. Eh di pag-uwi ko, malamang mga alas otso o alas nueve ako makakarating ng bahay. Buti na lang, maaubutan ko pa LRT sa oras na iyon.

    Nga pala, lapit na rin ang STAR Week sa susunod na linggo. Anong booth kaya ang ima-man ko, sa DebSoc o Mediamax? Siguro, ayusin ko ang linggo ko next week para pareho. Kailangan pa ba ng presentation ang bawat org? hiya ako kaya wag na lang.

    Kamusta naman ang term break ninyo diyan, blockmates? Siguro na-enjoy niyo nag sa inyo kahit medyo maikli lang. Well, deserving naman kasi ang daming nangyari, alam niyo naman…finals, Natsca, finals, blah blah blah.

    Well, halos pareho lang ang takbo nang bawat araw sa’kin.

    Nung Wednesday, nanood ng TV, naglinis ng bahay konti, nag-Internet at nag-simula magreupload ng mga videos ko sa Youtube after dinisable non ang account ko. Kainis nga lang nawawala ang isang file ko, iyung Ejodo: La Semana Pasada. Iyun pa naman ang very memorable kong gawa kasi talagang ganda kahit slideshow movie lang siya na may kantang “Exodus 04” ang BGM. Oh well…

    Thursday naman, kuhanan ng mga course cards. mabilis ko silang kinuha kaso nabagalan ako sa oras kasi ang tagal ng durasyon bago dumating ang susunod na teacher. Sina Sir Rafs nahuli sa oras, mga higit sa isang oras late ang isa habang si Sir Edz mga 2 oras kasi di kaagad makatakas mula sa opisina niya. Halatang buwisit siya sa mga reklamo sa kanya ng seksyon namin. tsk Tsk. Medyo 6:30 na ako nakauwi sa bahay. Sulit naman ang araw ko kasi kahit medyo mga alas onse o lapit sa hatinggabi ako nakatulog, puno naman kasi sumunod na araw walang pasok, kaya medyo mga seven na ako gumising.

    Sumapit ang araw ng Friday, kumain ako ng almusal then nagsimulang magsalang ng lalabahin and then nanood ng TV (Princess Sarah, Love in Heaven, Eyeshield 21 at ISWAK). Nung araw ding iyon, napanood ko ang final episode ng fave kong telenovela na Inocente de Ti na nabaliw si Donya Rebecca’t pinatay sa parehong paraan kung paano niya pinataya ang kakambal niyang si Donya Racquewl at si Julio Alberto at florecita ay nagpaklasal na sa wakas. Nagkaisa na ang mag-anak na Gonzales nang umamin na si Mrs. Smith sa tunay niyang pagkatao kahit dedots na si Mang Reuben, at tumino naman ang ditseng si Isela. Ah, enjoy na rin. Nung araw na ding iyon, nagdesisyon akong di ako tumuloy sa 4-day debate camp training namin sa Taguig (sa may The Fort) sa dahilan na kinailangan kong ayusin kaagad ang salamin ko matapos nag-expire at naisra ang mga contacts kong sinusuot. Nung panahaong iyon, ang salamin ko, isang lens (sa kaliwa) ang tanggal habang ang nagsnap ang contacts ko sa kanan. Nag-improvise ako, bale sinuot ko ang contacts ko sa kaliwang mata ko tapos sinuot ko kaagad ang salamin ko na may butas sa may kaliwa.

    Nung Sabado naman, nag-father-son bonding kami nang dad ko sa SM Valenzuela. Pinaayos ko salamin ko tapos bumili kami ng grocery at ng mga kakagamitan pang-konstraksyon para sa bunso ko na may project sa TLE. Inupload ko muli ang mga ibang videos ko sa Youtube then nagsimula na ako sa paggawa ng bagong movie ko na Intrams Volume 3 para mabigyan ko nang conclusion ang Intrams 07 (kaso ang sounds, wala pa hehehe).  Inupload ko rin iyon kaagad.

    Dumating ang Sunday, uuwi na si Mommy galing Sweden (for a DOF-related purposes). Nakapagsimba muli ako kasi nung nkaraang linggo hindi kasi may pasok ako non pati ang isang sunday bago non. Naalala ko nung isang linggo, nilapitan kami ng choir sa parokya namin at iniimbitamkaming magkapatid na sumali sa choir nila kasi kami lang yung kumakatana nan malakas (Bakit kaya kami lang?).

Kahapon, Monday. Nagstay ng buong araw papa ko. Hinatid niya lang si mommy sa St. Luke’s Hospital para sa isang EC (executive check-up). nakapag-laba ako at naglinis nang bahay habang si papa tulog maghapon. nung 2:30 gumising siya’t nag-ayos then umalis na rin para isundo si Mommy. hehehe. napanood ko rin iyung pilot episode ng bagong show sa Channel 2, ang Zorro: La Espada y La Rosa. Umulan rin kaya di muna ako tumuloy sa paglaba hanggang sa ngayon.

Ngayon lang, nagsimula na ako sa paglalaba. May binabad si Kuya para ma sampay ko rin pagkagising ko. probelma, binabad rin ni kuya isang damit ni mommy na nagbleed. ang masama pa doon, ang mantsang naging resulta sa pagbleet nang damit, dumikit sa 2 polo ni Papa na puti pa naman,Yung isa grabeh habang isa maliit pero halata pa rin. Wala kaming magawa sa isang, kaya binabad namin sa tubignna may Tide. Ri nga namin nilagyan ng bleach sa takot baka madamay ang ibang kulay ng polo. Ako nga rin, may ginawang kasalanan. Bale, piniga ko muna iyung basang damit an dekolor at isinabay ko sa mga isasampay kong damit na dekolor rin, akong ang problema, nagbleed rin ito nng pinatong ko ito sa mga damit na dekolor na nasa isnag basket para aking iakyat patungo sa roofdeck nang bahay kung saan namin sinasampay ang mga damit namin. sayang naman. Ba’t di na lang kasi bumili ng bleach na puwede sa mga de kolor!! By the way, nakapaglaba na rinako kaso, ung huli kong batche, di ko kaagd naisampay kasi sumbaya sa pagsama ng panahon. Umulan kaya di ako kaagad nakapagsamapy, kahit na ambon na lang nung mga 5:30. Nakapgluto na rin ako ng nilagang manok, nung isang gabi, adobong liver. Masarap ang kinalabasan kaya mmmm….. delicioso!

    Kaya hayun, ganon ko ginastos ang aking unang term break bilang isang college student. Sana ibang experience naman next term break. Well, back to normal muli!! PEACE YO!

Share this post

SJA High School Reunion: Ang Honor, Ang Cheater, Ang Lover (The Edited Edition) [Palatak Entry]

 SJA High School Reunion

By James Habitan

            Ika-20 ng Marso 2017, ito ang gabi ng High School Reunion ng Batch 2007 ng Saint James Academy ng Malabon. Lahat ng mga inimbita ay dumalo, iba na ang mga itsura nila pagkatapos ng maraming taon na lahat sila’y nawalay sa isa’t isa pagkaraan ng ng kanilang graduation sa hayskul.

Maraming mga pamilyar na mukha rito: si Lani Reyes na medyo reklamadora, ngayon isang magaling na florista na may negosyong flowershop sa Navotas; Si Rang Cabanatuan, ang pinakasikat ng lalaki ng buong batch, rising star na ngayon sa Philippine Basketball League; at ang dating mataba na si Ronald Patrimonio, bodybuilder at gym instructor na siya sa Tonsuya, pagkatapos iyon sa maraming taong pagbubuhat ng weights sa Asmeg.

“Gabby? Ikaw ba iyan? Ako ito, si Cam!” sabi ng isang alumnus. “Cam? Ikaw nga ba iyan? Grabe, pare! Laki ng ipinagbago mo?” sabi ng isa pa. “Ahhh!! Ranelle, tagal na tayong hindi nagkita, as in!” sabi ng bruhahaha queen na si Mana Dominguez, “Friend, you look so yaman na? Sexy mo na, ha?”. “Well, not that I’m bragging anything, ang nakikita mo ngayon ay resulta ng aking pagpapa-lipo, courtesy of our dear friend, Dra. Augusta Singson-Calayan!” pagmayabang ni Ranelle kay Mana. Sa isang sulok ng auditorium, may mga magkakabarkada na ngayon lang muli nagkasama, “Lucky, ‘musta na ‘tol.” Bati ng Ron Valencia na dating kartunista ng pahayagang COX. “Well, okey lang ako, ineenjoy ko lang ang reunion”, sumagot ang Artist of the Year na si Leo Ramiro”. Nagtanong ang kaibigang si Jaycee Carlos, “Rinig ko, Lucky (palayaw ni Leo), nagpropose ka na kay Selina?”. “Tinanggihan niya ang alok kong magpakasal. Hindi raw siya handa, kaya cool-off muna kami pare” lungkot na  sagot ni Lucky. “Dude, huwag ka mag-alala. Tingnan mo naman ang relasyon nina Rico Hizon at Angge Romero, Rio Sena at Nicolesa Aguila, Penang at Rev, Luisa Liu at Mari Collum, at Lauro de Tagle at Rita Borle. Lahat sila, dumaan sa mga awayan at hindi pagkakaunawaan, ngunit, naayon rin nila iyon dahil may tiwala sila sa isa’t isa”, payo ni Ron , “Hintayin mo ang pagkakataong stable na ang relasyon ninyong dalawa at magsasama kayo ng matagal”.

Samantala, pinag-uusapan na marami ang palapit na  pagkakasal ng dalawa sa pinakasikat at pinakamatalinong miyembro ng kanilang batch. Dumating na rin sa wakas, ang hinihintay, ang magkasintahang Mariel Rodriguez at Kenmark Reynes. “Friendship, happy kami na ikakasal ka na. Inggit ako sa’yo”, maligayang sinabi iyon ng matalik na kaibigang si Shiela Hermosa. Sagot naman ni Mari, “Well, what can I say? I never thought that I can find the perfect guy within Kenmark. Hindi ko nga rin akalain noon na magiging kami na pagdating ng college!”

“Sweetheart, iwan ko muna kita rito, pupunta lang ako sa restroom at babati na rin ako sa dating nating kaklase” nagpaalam si Kenmark. Paalala ni Mari, “Okey, honey. Balik ka kaagad, ha?”. Lumapit na rin kina Mariel at Shiela ang ibang miyembro ng MRICF o ang Mariel Rodriguez’

Inner Circle

of Friends. Sinabi nina Cornelle at Janna, “Wow, naman Mariel. We can’t believe na magiging kayo pala ni Kenmark. Tingnan mo pa naman ang engagement ring, it’s so socially expensive!”.

Sagot ng dalaga,“Yeah, I can’t believe that he used all his earnings from his law practice to buy me this”.  Nagpaalam si Shiela, sinasabing “Mari, alis muna ako, may aasikasuhin lang ako”. Pumayag si Maviel.

Lumalim ang gabi at painit pa lang ang party.Si Clarissa nagkitang magkaholding hands sa nobyong si Mundo de Gracia. Si Pernille Pinatagon-Lemonezo naman  ay nakitang magholding chin sa asawang si Ren Lemonezo. Si Michael Ray Gervacio nga lang ang nag-iiba, kasama niya nung gabing iyon ang mapapangasawa niyang si Aimee Resurreccion na isang graduate sa St. Mary’s College sa Meycauayan imbes sa Saint James. Nagkita muli ang ngayo’y sikat na indie artist na si Rogie at ang kasabayan nung hayskul na si Zeke na ngayo’y executive na ng Ayala Real Estate Holdings.

Hindi naglaon, napapansin na ni Mariel na matagal na niyang hindi nakikita si Kenmark.  Hinanap siya sa kung saan. Tinanong niya Si Denmark Lubao na kasintahan ni Lani R., si Rikko Del Espiritu na isa nang member ng isang sikat na dance troupe, at maging si Czaramara Maca-ajon na isang militante ngayon ng grupong Gabriela. Lumabas siya ng auditorium at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya si Kenmark, ang kanyang  nobyo at malapit na maging asawa, at ang kanyang matalik na kaibigan, si Shiela, magkayakap at naghahalikan sa tabi ng balcony sa kabilang building ng eskwelahan. “KENMARK! SHIELA! What’s the meaning of all these?! Kenmark, ano..ito? And Shiela, how could you do this to me?!” Galit na tinanong ni Maviel ang dalawa.  “Uhm, Mariel, let me explain all of this”. “No Kenmark, answer me this! We were on for six years, for goodness sake! Minahal kita at minahal mo ako! Ano ang pagkukulang ko!? At bakit ikaw, Shiela, kaibigan ko pa naman kita?!”. Takot na sagot ni Shielo ,“ I’m sorry Mari. It’s just that, pa mula  nung bata pa tayo, may pagtitingin na ako kay Kenmark”. “She’s right, Mari, akala ko , six years ago, sure na ako sa desisyon kong maging tayo. But, I felt that something was missing. I felt that whenever you’re with me, I can’t feel the happiness I expect that I’d be getting from the one I love the most.. It was Shiela all along.  Sorry if I was not loyal to you, but I tried my all not to let this happen pero nangyari ang nangyari”. Pakiusap naman ni Shiela, “Mariel, sana maintindihan mo ang sitwasyon naming dalawa. Wala kaming lakas na loob na sabihin sa iyo ito dahil mahal ka namin at ayaw ka naming makita kang nasasaktan, kaya aming itinago ang nararamdaman namin sa isa’t isa”.

Pero hindi nakinig si Mariel, “How could you do this to me?” Umalis si Mariel na luhaan. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari. Palabas na siya sa gate ng school nang may nakabangga sa kanya. Nagalit si Mariel at sumigaw sa bumangga sa kanya “Hey, watch where you’re going. Bulag ka ba?” Lumingon siya at nakita kung sino ang kinakausap niya. “Mariel, ako ito! Di mo ba ako natatandaan?”. Naalala nga ni Mariel ang mukhang iyon. Siya ang dating baguhan sa eskwela na huling pumasok at siya lamang ang tao sa silid-aralan kaya tinulungan siya ayusin ang mga gamit nito. Nakita ng lalaki na umiiyak si Mariel kaya dinala niya siya paakyat ng auditorium.  Sinabi ni Mariel sa kanya ang sitwasyon niya  habang nakaupo sa isang mesa. “You know, you can’t really tell what love can do to a person. Minsan, ito ang nagdadala sa iyo sa wagas na pag-ibig , kung minsan, hindi.”  Sagot pa ni  Mariel sa kanya, “Napaka-unfair na ganong concept. I never realized kung gaanong kumplekado ang umibig”. May naisip na suhestson ang lalaki, “Alam ko na, para naman makalimot mo si Kenmark, try moving on”. “Paano naman?” tanong niya.

“Heto, tutulungan kita”.

Mellow music naman ang tinutugtog ng DJ, kaya perfect ito  para sa kanilang dalawa. Nagyakapan sila at nagsimulang sumayaw.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, magaan ang pakiramdam ni Mariel habang katabi siya, hindi niya ito maipaliwanag. Malamang ito raw, inisip niya, siguro ang ibig sabihin sa kanya ni Kenmark. Hindi naman niya alam na may pagtingin rin ang binatang kanyang kasayaw. Mula pa noong una silang nagkita ay may crush na siya sa dalaga. Ngayon lang niya na-realize na pagmamahal pala ang nararamdaman niya kay Mariel.

Habang lahat ng mga alumni ay sumasayaw nung gabing iyon sa kanilang high school reunion, ang tinugtugtog ngayon ay ang awiting“Sana Ay Ikaw Na Nga”.

 

WAKAS

*kung gusto niyo malaman kung sinu-sino sila, abangan ang original version

Share this post

Jamers Batch 07, 5 months after

    Hi Guyz! This an update on what the class of 2007 are up to 5 months after graduating from SJa last March 29, 2007.

    Looks like many of us are getting well-adapted to our new surrounding now that we’re now blenidning in to our college lives. Maviel was privilege to talk to AdMU senior men’s basketball team, I just found out that Russel I.  came home for vacation (may nadevelop na kayang twang siya?), si JB magsisimula nang pumasok sa Grade 11 sa FL, si Camille rinig ko magdedebut na, at so on and so forth).

    Sa totoo lang, wala talaga akong balita sa kanila, ang tanging bagay na nagbibigay-alam sa akin sa mga kaganapan ay ang Multiply websites ng mga kasamahan ko galing HS. Paminsan sa Friendster pero sawa na ako dyan kasi Multiply at Facebook ang inaatupag ko ngayon.

    Nga pala, nagkatoto na ang binaggit ko noon tungkol sa nabigyan na kalayaan sa paghuhusga ng kapalaran ng mga istura natin. Si Mechel, nakita kong long hair na, si Robin at Jeco kapal bangs, si Ace may butas sa tainga….Kaso, sila lang mga nakikita ko lang sa side namin ng Taft. Ano kaya ang itsura ngayon ng ibang Jamers? Hmm…

    Kamakailan lamang, nagkaroon ng mini-class reunion ang IV-Dominic nung kaarawan ni Ms JQ (the same day as ang big game ng Ateneo at La Salle nung July). Si Errald medyo matangkad pa rin, si JM di pa rin nawawalan ng paraan para gumawa ng ka*alang hayaan sakin, si Paolo proud and true Bedan! Yeah! Si Sandy, proud Malabonian kasi sa CMU siya nag-aaral, nagsimulang nag-aral sa malabon, sa malabon din siya tatapos (kaya ako hanga sa kanya). Si Czarmaine, wala paring pagbabago. si Pat, mukhang teacher na, hehehe. Si Kat di ko naabutan sayang.

    Sa Enigma siguro makakaalaman na kung ano na ang nagyari sa isa’t isa kahit marami rin ang tiyak na di makakapunta. Ako nanganganib na hindi makapunta kung iyon ay gaganapin sa huling sabado o biernes ng october na parehong linggo nang posibleng pagsabak ko sa inang paligsahan sa Baguio. Kaya ipagdasal niyo na lang na makakarating ako sa Enigma para kunan ko kayo ng mga litrato!

FOR GOD, FOR COUNTRY, FOR SAINT JAMES!!

Share this post

Waahg Nwawala Ang LA SEMANA PASADA ko!!

    Sa ngayon, inaaupload ko muli ang lahat ng mga original videos ko sa Youtube after na disabled ng website ang current account ko. Ngayon, naiiyak na ako dahil mukhang di ko na makita ang video file ng La Semana Pasada na ginawa ko noong March 2007 bago pa man kami grumaduate ng high school nung March 29, 2007. Jung di ko makita ang video na iyon, iyon na ang pangatlong SJA movie na nawala na nang tuluyan.

Share this post

Reality and Dreams: Nakawan, Iyakan sa Isang Panaginip

    Can’t believe I still remember this dream that I had last night. I dreamt that I was in a classroom full of blockmates and we had a guest sitting in a wheelchair telling us about something. Suddenly, one of my “classmates” just came in looking surprised as he passed through the wheelchaired guest.

    The next thing I know was that the guy in the wheelchair started crying saying that his wallet was missing, he believed it was stolen and the only suspect was “my classmate” who looks like one of Justin’s classmates who are Chinese-looking. The “classmate” kept denying that he stole the guy’s wallet and started to cry too. The next thing I knew, i woke up and had a hard time putting myself back to sleep sine then. And that was last night LOL! My dream ended without giving any conclusion, how sad :):):)

    What’s weird is that my dream showed a complete detail of what my “classmate” looks like. Maybe someday, I’ll be dreaming of “classmates” who look like the classmates of others. Pweegh!

Share this post

A YM Conversation That is Both Weird and Disturbing

A user claiming to be Reynaldo Cortez (Shrek) was PMing me via Ramon Cruz’s ym add ramon_cruz41. He suddenly made an angry instant message against me, I don’t know why. The following is the conversation we have. This conversation contains strong and discrete content, please cover your eyes kung di mo kaya. This is raw and unedited:

Ramon Cruz: tang ina mo, ang hina mo, wag ka na mag taekwondo, poke ka
James: huh?
Ramon Cruz: -sir jec panotes
Ramon Cruz: huh? hina ka un lng
James: huh? kilala ko ba kta?
Ramon Cruz: violinin mo na lng tite mo
James: kla ko si ramon to?
James: ramon cruz 14 ryt?
Ramon Cruz: shrek to bakit?!?!?
Ramon Cruz: 1on1?!
James: nakalagay shrekcruz 14
Ramon Cruz: sparring!
Ramon Cruz: wag kna magreply nakawalang gana ka
James: bigla kang nagPM, ano pa ba ang irereact ko?
James: kaw naman, di mo naman klanagan murahin pa ako.
James: pde mo kong kausapin nang maayos + nakalagay sa YM ko ramon_cruz14. nakuha ko pa kay Ramon mismo. hala naman.  bat ka ba galit ha?

James: sige eto na lang, kung si shrek ka, meron ka bang multiply account at ano name ng multiply account mo? PEACE

Share this post