Enjoy!
Category Archives: buhaykolehiyo
The CSB Experience: “Paglisan”-Tula para sa mga broken-hearted
Bago ang lahat, ang tulang ito ay aking isinulat para sa asignaturang Filip13, seksyong H16 sa ilaim ng pamamalakad ni Gng. Perez. Ang tula kong ito ay napili bilang gagamitin naming awit sa aming music video kung saan kasama ko dito ay sina (in Perezian language): Chona, Ed, Jeric, Lourdes, Maria, Greg, at ako, si Jaime.
ni Jaime Luis S. Habitan
INoon, ngayon at bukas
ikaw ay laging nasa isipan.
Bakit hindi ko matantsa na
ikaw ay aking makalimutan.
(refrain: Tuwing ako’y gumigising sa bawat umaga, pilit kong maalala na wala ka na)
Koro:
KUng bakit ang bilis ng ikot ng mundo
nang ika’y tuluyang nilisan ako.
Akala ko tayo ay walang hanggan
itinulak mo sa bangin ang ating pinagsamahan.
II
Ayoko mang isipin ngunit
ang puso ko’y damdam.
Ang lahat ng pananakit
na walang kapatawaran.
(Refrain)
(Koro)
III
Magpusa man sa’yo muli
alam mong di kita mawawagi.
Ikaw pala nanglubid ng buhangin
upang puso ko’y iynog taksil.
(Refrain)
(Koro)
WAKAS
INTENSYON: Ika-5 Kabanata, Takas at Iwas
[Writer’s Note: This entry is not meant to inflict any harm to anyone. This is based on true events so anything that you may find may be offensive. If you don’t want to continue, don’t read from this point on.]
2 weeks before the end of the term, lumipat na ako sa bago kong plac eof residence, isang dorm na walking distance lang sa CS. Hindi ako makapaniwala na bibigyan ako ng mga magulang ko nang pagkakataon na ipatunayan sa kanila na kaya kong mabuhay na mag-isa. Ngunit lagi kong isinasaisip na kahit kung malayo ako sa gabay ng magulang ko, ang mga tinuro nila sa’kin ang laging mangingibabaw higit pa sa lahat.
That time rin, nagpaplano si Sempai na magkaroon uli ng outbound trip, this time sa condo ng isa sa mga Vets. Guess kung saan: sa Serendra! Weghhh! Joke, hindi sa Serendra, pero dun sa isang condo tower somewhere sa Taguig. Posh ang lugar na iyon kaya mamahalin. Bakit kaya nais niyang magkaroon ng outbound sa isang lugar na gaya non?
Plano niyang gawin ang tinatawag niyang “all-out boot camp” buong term break, bale one week of heck. “Come on guys, it’s for your own good”, iyun yata ang sinabi niya pero di sakto, basta something like that. Ang ibig niyang sabihin, dapat wala na kaming inhibitions whatsoever, at harapin kung ano ang dapat harapin.
I, on the other hand, am still trying to find a way to get off the boat, pero now I have to deal on getting off from this one. Hay, naku! Depress na depress ako kaya di ko na kayang gawin ito for sure.
One week before term break, finals namin. Hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan ko sa org ang ipagkaktiwala ko na sabihin ang intensyon kong kumalas. Kaya ang pinaka-safe at trustworthy na taong nais kong ipaalam ay si Nicolesa, isang IS student (IS standsa for International Studies). Nagtataka siya sa’kin kung bakit balak kong kumalas, pero nung time na iyon, di ko masabi sa kanya ang dahilan ko. Basta, sinabi ko alng sa kanya ayayoko na’t nahihirapan ako. Wala nang mas malalim pa diyan.
Thursday ang confirmation sa mga sasama. Wala pang ayaw sumama, natatakot ako. Buti na lang ang isa kong kasama, si Licca, sure na hindi sasama kasi uuwi siya sa kanila. Sabi ni Carol, di puwedeng umalis nang walang matinong dahilan. Feeling ko kapag sinabi kong di ko nais sumama sa dahilang ayoko i-spend ang bakasyon ko diyan, mapapagalitan ako’t masesermunan ng todo-todo. Di ko na alam ang gagawin ko.
Nanghingi ako ng senyas sa Langit kung sasama ba ako o hindi. Sa kabuthinag palad, meron nga. Nasa school ako non, wala namang masyadong ginagawa. Then out of nowhere, nagpop-out palabas ang isang lens ng salamin ko. Di ko alam pero feeling ko iyun nga ang sign na hinihingi ko. Meron na akong excuse para di sumama tuloy. Ang saya-saya ko!
Idinahilan ko iyon kay “Sir” Jairus. Alam kong malilintikan ako sa kanya pero iyon lamang ang kaya kong maibigay na alibi, ang sira kong salamin. Tinanggap niya ang plaiwanag ako at excuse na ako sa “camp of no return” ni Sempai. Yehey!
But, I still ahve to worry on getting myself ut and it will only be a matter of time that I must tell them.
DURUGTUNGAN
Makati, MSA, Legazpi Village, 7 Eleven, Rolling Food Stalls, Yuchenco, Ayala, Buendia
INTENSYON: Ika-4 na Kabanata, Freefalling…Skydiving
[Writer’s Note: This entry does not mean to inflict any harm to anyone. This is based on true events so anything that you may find may be offensive. If you don’t want to continue, don’t read from this point on.]
Ang CS ay may sister school, ang University of St James o USJ. Every once in a while, nagkakaroon nang get-together ang mga debate clubs ng dalawang institusyon. Nung nakaraang August nga, nagkaroon ng isang espesyal na get-together: isang mini-tournament.
Weeks before, nagkaroon ang Lipon ng crosstraining day kasama ang members nang Escuela de Discusiones na official debate organization ng rival school namin na College of Saint Valentine. Tingin ni Sempai ay handa na kami para harapin ang Lipon nang mga Jamers (tawag namin sa mga taga-USJ).
Isang Sabado, nagkita na ang dalawang kupunan. Hinati sa iba’t ibang grupo ang mga miyembro ng bawat lipon. Nakasama ko si Kuya Rem bilang dual team. Ang tourney ay hahatiin ng apat na round, sino ang pinakamaraming panalo ay magkakasabak sa finals sa isa pang linggo.
Sa unang round, kami ni Kuya Rem ay nasa opening half nang debate (opposition). Tinawag namin ang koponan namin bilang Team “Bulol”. Para maging maikli ang kuwento, mababa ang bingyan samin na score (3 out four which is third best). Second round, ayoko ang bingyan nilang bagay na pagtatalunan. Hindi ko mainitindi kaya sa huli, talo kami.
Okay kung natanggap ko ang pagkatalo ko pero ang hindi katanggap-tanggap ay ang binigyang evaluation sa performance ko. Feeling ko parang nasayang ang lahat nang dinaanan kong pagsasanay para at least mamasterin ang pmamamaraan ng pagdedebateh dahil sabi ng nagevaluate sa’kin, “out-of-context” at kung anu-ano pang criticsms with regards to the performance of everybody in round two.
Wasted tuloy ang feeling ko throughout the rest of the day. Hindi na ako makaisip nang tama. My mind just went on telling me that “joining this org was a big mistake and that I don’t have what it takes to be a good debater”. I never felt this low ever.
Umabanse sa finals ang team nina Mao, ang tanging team galing CS. Gusto kong maki-celebrate sa kanila kaso hanggang sa time na time na iyon, masama pa rin ang pakiramdam ko. Habang pauwi na ako sakay nang LRT, napaisip-isip ko na siguro hindi ko true calling ang mang-away at talagang hindi para sa’kin ang pagdedebateh. I kept this to myself as I was still thinking of a way for me to get off this group pero with due respect sa mga naturing kong pamilya.
Nasa point na ako na kung saan, inisip kong “tama pa ba ang ginagawa ko?”, “dapat ko pa ba itong ipagpatuloy?”, “paano ko sasabihin sa kanila ang intensyon kong kumalas?”. For thenext few weeks, iyon lamang ang naiiisip ko. Mahahantong rin ang lahat sa isang desisyon.
DURUGUTUNGAN
The CSb Experience: New Peepz
Due to Gilbert’s insistence for me to go on posting blogs practically every day of the week, I have no choice but to make this one.
So okay, I’m right in the middle of the term and so far I’ve met numerous people ranging to frosh to upperclassperson from Shrim to Smit to SDA and vice versa. Many I knew their names while others, not really though I could recognize their faces. So I made a “comprehensive list of people I knew for many are classmates while others are friends of friends.
Philoma DV9:
- Patricia President
- Tomi
- Bobby
- Philoma friends (nasa harap)
- Paul Rodas
- Mandy’s friend
Petriid DFS1:
- Bobby
- Eunice Sison
- Ms Syson (first name di ko pa alam)
- Andrew Gonzales
- Paul Rodas
- Abraham Chong
- Kano (last name lang kasi di ko alam first name niya)
- Ramon Marquez
Comsk2x DV9:
- Chong
- Marquez
- Kano
- Arni
- Best friend ng classmate ko sa Algeb
Filip13 H16:
- Ronald
- Reina Rios
- Nicco Yu
- Chona
- Maria
- Lourdes
- “Padre Carlo”
- Edwin
- John
- Ias
- George
- Jobert
- Lance
- Raymond a.k.a. James
- Shiena
- Greg
Algeb-x HH2
- Charmaine a.k.a Rachel Chua
- Monica USTe
- Joseph USTe
- Paolo Dungis
- Paolo Genius
- Paolo Singkit
- Paolo Bonet
- Jhan Ong
- Brian
- Friend ng classmate ko sa Comsk2x
- Erika, friend ni Joseph Alipo-on
Worlite DV1
- Eunice
- Ms Ong
- Jeff’s friend
Reconse DR1
- Eunice
- Willard Chua
Friends outside class
- Friend ni Chris who looks a wee bit like Marlon
- Andy a.k.a Edward (by Charmaine)
The CSB Experience: An English-Filipino Moment with H16’s Ms Perez
Ms Perez: Class, gumawa kayo ng isang sanysay…
(buong klase nagsimula na sa paggawa ng sanaysay)
Classmate 1: Miss ano po Tagalog ng ??? (sori di ko na maalala)
MP: “???”
(2 minutes later)
Classmate 1: Miss, ano naman po Tagalog ng ???
MP: “???”
(3 minutes later)
Classmate 1: Miss, ano naman po ang tagalog nang “business”
MP: ….
Classmate 1: ?
Classmate 2: “Business” ba kamo? Ano, uhh…”Negosyo”
Classmate 3: “Negosyo”?! Iyun pala iyon!
(6 Minutes later)
Classmate 1: Dude…ano sa Tagalog nang “disadvantaged”?
Classmate 2: “Disadvantaged”…uh…
MP: Class, kung wala na kayong maisalin pang salita sa Tagalog, hayaan niyo na lang okey?
(2 minutes later)
Classmate 3: Ano sa tagalog nang “scan”?
Classmate 2: Uhm, puwede iyung “na-iskan” lang…
Classmate 4: Excuse me, what’s “???” in Tagalog?
———THE END
The CSB Experience: S.Ex., Pedro Gil, St. Paul, UP Manila, Robinson’s Place, etc
Inisip ko muna, “What if kung iche-check out ko iyung mga lugar sa Pedro Gil kasi matagal na akong di pa nakakapunta doon, ever since nung nag-Field Trip kami nung elementray sa loob ng science museum ng Up Manila.
Unang una sa lahat, pinasyalan ko ang buong stretch nang Pedro Gil kaso ang haba kaya di na ako tumuloy. Sumunod, doon ako sa side ng St. Paul at UP ang dinaanan ko. Good thing ay tanghali nungmga oras na iyon kaya maraming lumabas galing sa mga schools na iyon para manghalian. Tamang-tama, tinawagan ko sa cellphone ko ang pinsan kong Paulinian. Kaso kumakain na siya sa loob kaya tumuloy na ako sa paghahanap nang lugar nang pakkainian ko.
Gulat na lang ako at nakita ko sa tabi lang ng St. Paul ang S.Ex. a.k.a. Sinangag Express. Akalain , ‘no? Doon na ako kumain ng lunch at nung lagpas ala-dose nang tanghali, umalis na ako sa Pedro Gil para bumalik sa CSB kasi klase ko nung time na iyon ay ala una.
DLS-College of St. Benilde gears up for game development course

MANILA, Philippines–De La Salle-College of St. Benilde is preparing to introduce a Game Design and Development preparing to introduce a Game Design and Development and professors talk about the various aspects of the course as well as the reasons for offering it. Video taken by INQUIRER.net reporter Alex Villafania. (
Ang Gabing Tinawag Ko ang Buong Malabon at Navotas
Nakakainis talaga! Kagabi kasi may nangyari na talagang nagpataranta sa buong pamilya ko. Heto lang kasi ang dahilan, kapatid kong bunso umuwi nang dis oras na nang gabi, pinaalala pa niya kami at halos mahimatay sa takot!
Heto na, ilalahad ko. Kasi kahapon ng umaga, nagpaalam ang kapatid ko sa’min na hindi kaagad siya makakauwi ng bahay. Kasi daw, magpapraktis ng sayaw ang buong section niya (III-St. Pius) sa isang lugar sa Navotas. Pumayag naman kami.
Gabi na akong nakauwi at ang nasa bahay ay ang ate’t kuya ko na kapwa walang pasok nung araw na iyon. Nalaman ko na hindi pa pala umuuwi iyung bunos namin kaya hindi muna namin inisip kasi mga alas sais ng gabi na iyon. Nasa bahay na rin ang mommy ko.
Magma-Maging Sino Ka Man na sa TV, wala pa rin sa bahay si bunso kaya doon na kami na-aalala. Inisipan kong tawagin ang ka-batch ko nung high school, si Erjam. Kapatid niya kasi, ka-seksyon ng kapatid ko kaya siya ang una kong tinawagan. Itinanong ko sa kanya kung may alam siya tungkol sa practice na kapatid niya.
Cut short to a few minutes later, nag-aalala na ang mommy ko at hanggang ngayon wala pa rin sa paningin namin ang bunso namin. Kung sinu-sino na ang tinatawagan ko ang pinagkuhanan ko nang mga phone numbers ay ang luma kong yearbook nung grade six. Ang mga tinawagan ko (kung naalala ko pa silang lahat) ay;
1. Erjam
2. Jeco
3. Mark
4. Vinni
5. Mhela
6. Catherine
7.Kung sino man ang mga taga-Navotas na ang numbers na nakasulat sa yearbook ay gumagana pa rin
8. Czar
9.Marami pang iba
Hindi naglaon, wala na kaming choice kungdi tawagin ang adviser ng Pius na si Mr. Macam. Ako naman, gamit ang landline phone namin, natawagan ko ang number na binigay ng dati kong teacher sa Chem (other than my other Chem teacher). Iyung binigay na number ay pag-aari ng kaklase ni Jorge. Nalaman na namin na 10:30 na sila nakatapos, late dumating ang choreo nila, hindi sila kaagad pinauwi ng choreo nila, walang dalang cell si Jorge at wala rin siyang mahiraman para tawagin kami, may kasabay siya sa pag-uwi na taga Obando, Bulacan (malapit kami sa border ng Bulacan).
Alas onse na, hindi pa rin ako nakakapaghugas ng pinagkainina sa hapunan sa sobrang pag-aalala. Nakauwi na rin at doon natapos ang isang gabi ng pagtataranta’t pag-aalala.