105 Truths (got it from Mavz)

1. real name: Jaime Luis S. Habitan  
2. like it: Of the four siblings, I have the most traditional name
3. single or taken: single
4. zodiac sign: Virgo
5. male or female: male
6. elementary: Saint Mary Montessori (Nursery-Gr. 4), Haycock Elementary School (Gr. 4-5), Saint james Academy (Gr. 6)
7. high school: St. James Academy
8. college: De La Salle-College of Saint Benilde
9. eye color: Black
10. hair color: Black
15. are you a health freak: Whenever I look at myself at the mirror
16. height: 5’6″
17. do you have a crush on someone: Yes, I have a crush who gradauted from Meycauayan and another from my school.


18. do you like yourself:Siempre!
19. piercings: Walang balak
20. tattoos: birth mark, puede na.
21. righty or lefty: Maka-kakanan

FIRSTS
22. first surgery: twice when I was young. One time on my forehead and another on my tongue
23. first piercings: none
24. first best friend: Carlos and Michael Ross from our Montessorian days
26. first sport: Karate (umabot hanggang purple pero di na napatuloy)
27. first pet: pet na matatawag na akin, a pet butterfly I named Catherina “Cathy” Habitan.
28. first vacation: Madalas from out-of-town resorts, kaya di ko na malaala. the earliest that I could think of was my first time in this resort on Bulacan, Bulacan.
30. first crush: Iyung kababata ko sa SMMC dati.

CURRENTLY
49. eating: Anything as long na hindi exotic
50. drinking: ua lot except for alcohol
51. about to: daydream
52. listening to: LSS
53. waiting for: next class at 1:00 PM (11:00 Am pa lang as I write)
54. wearing: Balck and white striped t-shirt with collar.
56. want to get married: maybe never
67. careers in mind: Writer, mutimedia artist, novelist, moviemaker, photographer

WHICH IS BETTER WITH THE OPPOSITE SEX?
68. lips or eyes – eyes
69. hugs or kisses – hugs
70. shorter or taller – shorter
71. tan skinned or light skin – Pareho
72. romantic or spontaneous – Pareho
73. dark or light hair – dark hair
74. muscular or normal – basta hindi mukhang lalaki katawan
75. hook-up or relationship – relationship
76. similar to you or different – basta, may respeto sa isa’t isa at ginagalang ang kakayahan namin

HAVE YOU EVER
78. kissed a stranger -no
80. broken a bone – muscle yes
81. climbed up a tree – yes
82. broken someones heart – no
83. turned someone down – unfortunately not
84. liked a friend as more than a friend – sana

DO YOU BELIEVE IN
86. yourself – yes
89. Santa Claus – yes, kaya nga noon pilit kong mapuyat para makita siya eh.
90. kiss on the first date -Di pa muna hangga’t wala pang bF yang ate ko.
91. angels – Yes forI was once an angel, wearing my angel dress every night when I was 5 years old (actually, those angel dresses are only my dad’s surplus t-shirts with a “Power Patrol” printed on both front and back).

ANSWER TRUTHFULLY
92. Is there one or more people you want to be with right now? – romantically? I hope so
93. Do you hang out with these people? -Yeah, almost everywhere I go
94. Are you cool?- When I wear my La Salle Dasma jacket, I am.

LASTS
95. Text message – Globe text advisory
96. Received call – A fellow org member who mistook me for one of our org officers.
97. Call made to – Bahay
98. Comment on friendster – Mydy
99. Missed Call – From my dad
100. Person you hung out with – Hoogie, Chris and Issi
101. You hugged – my mom before she left for Korea today
103. You talked to – my Filip12 prof
104. You slapped – Grade 3- Grade 5 di ko maalala
105. Said I love you to – myself as I was watching an episode of Hey Arnold where Arnold’s weird cousin uttered those words to Helga.

Share this post

The Day I Found Out The Truth About Puppets

      Noon pa man, fan na ako ng mga shows na puppets. Una sa listahan ko siyenmpre ay ang Sesame Street, tapos Batibot, then Awit Titik Bilang At Iba Pa (ATBP), pati na rin iyung children’s show sa PBS Kids noon na Cailou nung nasa States pa ako. Kaso, akala ko noon na buhay sila. Kahit na alam ko na puppets weren’t real, I had to know paano sila nagagalaw, paano sila nagkakaroon ng buhay. And that was how I found out the bitter truth.

 

     Birthday ng pinsan kong si Bernice sa Malabon. Ginanap sa bahay nila iyung birthday party niya as always. Siyempre excited ako kasi makikita ko uli ihung bahay nina Tita Dina kasi ang ganda at malaki pa. Malapit siya sa Immaculate Conception Parochial School ang bahay nila.

   I think I was around 8 or 9 years old then habang si Bernice maycecelebrate ng 6th birthday niya. Nalala ko pa rin noon na medyo tahimik siya, as compared sa ate niya na si Ate Bea (na nasa La Salle ngayon by the way).

   Now, there was going to have a puppet show kaya happy ako at nang mga bata na nasa party. Ang theme ng show ay Power Puff Girls (yah, avid viewer ako ng show na iyon kasi wala namang magandang panoorin nung araw ‘no!). Ngayon, some people placed a big black box sa may isang part ng bahay kung saan gaganapin iyung puppet show. Other than it is big and black, may butas siya na parisukat, at ang gilid ay kinokoberan ng isang mahaba black cloth.

    Later, naging curious ak on what wa beneath that box ot what ity is insiade. I took a peek and saw na may bukasan siya sa likod. Now, kasama ko ang mga pinsan ko, we went to see what on there. And voila! The Truth!!: Three guys with Powerpuff Puppets worn on their hands! They saw us and told us to get out! Ngeee… Nakakatakot iyon. And that’s how I leanred the truth about puppets.

   Although alam ko naman na puppets are handled by real people (especially nung nanonood ako ng Marco dati), it was only that I saw it for myself. Waghh!

 

Share this post

LRT Tales: Kasama, Kasali, Kasabay, Kasalo

    Ngepers, ang corny naman ng title. Pero nakakatuwea rin kasi totoo naman.

    Minsan nakakasabay mo ang mga taong hindi mo maasahan na makakasama mo sa pag-uwi, mga tao na kasama mo’t kasabay paminsan minsan sa pag-uwi at kung minsan, kahit sa pagpasok mo ay nagkita kayong nakasakay sa parehong tren. Heto nga ang nangyari sa’kin mula pa nung naging regular rider ako ng LRT sa pagpasok ko sa school ko sa Taft.

    Mula sa CSB, nakasabay ko sina Maan, Nicky, Lhiana, Justin, Gelli P, at Ace. Pinakamadalas ay kapag nakakasabay ko sa pag-uwi sina Lhiana at Ace kaso sa huling mga araw, malimit na. Malamang iba na kasi ang oras nila. Si Maan, rare rin habang one time lang ang kay Nicky. Sina Gelli’t Jus ang latest na naksabay ko sa pag-uwi kasi sabay na kami nang dismissal. Pero madalas na nauuna na ako sa pag-uwi kaya di kami ganon masyado magkasabay all three. Sa mga blockmates ko naman (We are One, DV1), ang mga nakasabay ko sa pagskay ng LRT ay sina Reyn, Jiko, Joaqui at Kathryn. Si Jiko bumababa sa Pedro Gil, si Reynalei sa D. Jose, si Joaqui sa Carriedo habang si Kat ay sa Tayuman. Wawa nga ako kasi wala akong kasabay hanggang Monumento talaga.

    Kung minsan nga, nagkikita kami ng ilang kong blockmates sa Vito Cruz Station ngunit sa ibang side sila umaaabang ng tren, pa-south. Madalas sina Gilbert and Carlo ang mga nakikita ko sa saide na iyon. There was a timer na marami kaming magkablockmates na sumakay na magkasabay para bumaba sa iisang estasyon at iyun ay nung time nang manonood kami ng laban ng La Salle at ADMU (second to the last). Sarap ng experience!

    Sa mga galing La Salle, ang mga naksabay ko na sa pag-uwi ay sina Camille, Milet, Robert, Robin, Russel, and company. Hindi kami ganon ka-close kaya di ako masyadong nakakapagparamdam sa kanila. One time nung Wednesday, kasabay ko sina Russel. Actually, nakita ko na sila sa estasyon pa lang. Di na lang ako nagpahalata kasi antok na rin ako, gusto ko na umuwi kasi malayu-layo pa ang uuwian ko mula pa Monumento. Eventually, sa may UN ata o Pedro Gil, nakita ako ni Russel at pinaglalaru ako, tawag ng tawag na “Jaime” sa’kin pero nakiskaya na rin, kungwari kung ano lang ang naririnig ko. Hehehe. At least naman, pampagising naman sa’kin iyon kasi kulang na lang matulog ako sa loob ng tren na nakatayo’t nakahawak pa sa safety handrail.

    Mula naman sa ibang schools, nakasabay ko sa tren si Rose (Lyceum), si ??? (Mapua) at si Ken (Letran, 2x beses na rin). Funny story naman nung nagkita kami sa Central Station sina Louie at Martin. Actually nga nasa loob ako ng tren na tumigil sa station. Tapos may parang figurine na kumakaway sa’kin. Tumingin ako mabuti at sila pala iyon. hehehe. Nagpahintay pa nga sila nung nasa may Ever aako pagkababa mula Monumento. hehehehe

    Sana na nga lang may talagang may kasabay ako sa pag-uwi kasi madalas mag-isa ako doon. Inggit nga ako sa mga maggroupies na kasabay ko madalas kasi tuwang tuwa sila at saya saya sa piling ng isa’t isa pauwi. Hmmm,,, nangangarap na naman ang lonely diyan.

Share this post

Our Lady of La Naval de Manila Grand Marian Procession

Start:      Oct 14, ’07
Location:      Sto. Domingo Church, Quezon Avenue, Quezon City

Grand Marian Procession sa harap ng Sto. Domingo Church sa Quezon Avenue, Quezon City right besideAngelicum College. Maraming pupuntang galing SJA lalo na 4th year students (composed of CAT students, malamang pati na rin Varsity at Vox hehehe) plus alumni as well. hehehe, la lang :):):)

Share this post

Enigma 2007: Hairspray

Start:      Oct 26, ’07
Location:      Saint James Academy, Malabon City

Ang annual Enigma ay muling magbabalik with the theme: HAIRSPRAY, a movie with a musical theme similar with High School Musical which was last year’s theme. Similarly both films stars Zac Efron.

Share this post

SJA High School Reunion: Ang Honor, Ang Cheater, Ang Lover (The Edited Edition) [Palatak Entry]

 SJA High School Reunion

By James Habitan

            Ika-20 ng Marso 2017, ito ang gabi ng High School Reunion ng Batch 2007 ng Saint James Academy ng Malabon. Lahat ng mga inimbita ay dumalo, iba na ang mga itsura nila pagkatapos ng maraming taon na lahat sila’y nawalay sa isa’t isa pagkaraan ng ng kanilang graduation sa hayskul.

Maraming mga pamilyar na mukha rito: si Lani Reyes na medyo reklamadora, ngayon isang magaling na florista na may negosyong flowershop sa Navotas; Si Rang Cabanatuan, ang pinakasikat ng lalaki ng buong batch, rising star na ngayon sa Philippine Basketball League; at ang dating mataba na si Ronald Patrimonio, bodybuilder at gym instructor na siya sa Tonsuya, pagkatapos iyon sa maraming taong pagbubuhat ng weights sa Asmeg.

“Gabby? Ikaw ba iyan? Ako ito, si Cam!” sabi ng isang alumnus. “Cam? Ikaw nga ba iyan? Grabe, pare! Laki ng ipinagbago mo?” sabi ng isa pa. “Ahhh!! Ranelle, tagal na tayong hindi nagkita, as in!” sabi ng bruhahaha queen na si Mana Dominguez, “Friend, you look so yaman na? Sexy mo na, ha?”. “Well, not that I’m bragging anything, ang nakikita mo ngayon ay resulta ng aking pagpapa-lipo, courtesy of our dear friend, Dra. Augusta Singson-Calayan!” pagmayabang ni Ranelle kay Mana. Sa isang sulok ng auditorium, may mga magkakabarkada na ngayon lang muli nagkasama, “Lucky, ‘musta na ‘tol.” Bati ng Ron Valencia na dating kartunista ng pahayagang COX. “Well, okey lang ako, ineenjoy ko lang ang reunion”, sumagot ang Artist of the Year na si Leo Ramiro”. Nagtanong ang kaibigang si Jaycee Carlos, “Rinig ko, Lucky (palayaw ni Leo), nagpropose ka na kay Selina?”. “Tinanggihan niya ang alok kong magpakasal. Hindi raw siya handa, kaya cool-off muna kami pare” lungkot na  sagot ni Lucky. “Dude, huwag ka mag-alala. Tingnan mo naman ang relasyon nina Rico Hizon at Angge Romero, Rio Sena at Nicolesa Aguila, Penang at Rev, Luisa Liu at Mari Collum, at Lauro de Tagle at Rita Borle. Lahat sila, dumaan sa mga awayan at hindi pagkakaunawaan, ngunit, naayon rin nila iyon dahil may tiwala sila sa isa’t isa”, payo ni Ron , “Hintayin mo ang pagkakataong stable na ang relasyon ninyong dalawa at magsasama kayo ng matagal”.

Samantala, pinag-uusapan na marami ang palapit na  pagkakasal ng dalawa sa pinakasikat at pinakamatalinong miyembro ng kanilang batch. Dumating na rin sa wakas, ang hinihintay, ang magkasintahang Mariel Rodriguez at Kenmark Reynes. “Friendship, happy kami na ikakasal ka na. Inggit ako sa’yo”, maligayang sinabi iyon ng matalik na kaibigang si Shiela Hermosa. Sagot naman ni Mari, “Well, what can I say? I never thought that I can find the perfect guy within Kenmark. Hindi ko nga rin akalain noon na magiging kami na pagdating ng college!”

“Sweetheart, iwan ko muna kita rito, pupunta lang ako sa restroom at babati na rin ako sa dating nating kaklase” nagpaalam si Kenmark. Paalala ni Mari, “Okey, honey. Balik ka kaagad, ha?”. Lumapit na rin kina Mariel at Shiela ang ibang miyembro ng MRICF o ang Mariel Rodriguez’

Inner Circle

of Friends. Sinabi nina Cornelle at Janna, “Wow, naman Mariel. We can’t believe na magiging kayo pala ni Kenmark. Tingnan mo pa naman ang engagement ring, it’s so socially expensive!”.

Sagot ng dalaga,“Yeah, I can’t believe that he used all his earnings from his law practice to buy me this”.  Nagpaalam si Shiela, sinasabing “Mari, alis muna ako, may aasikasuhin lang ako”. Pumayag si Maviel.

Lumalim ang gabi at painit pa lang ang party.Si Clarissa nagkitang magkaholding hands sa nobyong si Mundo de Gracia. Si Pernille Pinatagon-Lemonezo naman  ay nakitang magholding chin sa asawang si Ren Lemonezo. Si Michael Ray Gervacio nga lang ang nag-iiba, kasama niya nung gabing iyon ang mapapangasawa niyang si Aimee Resurreccion na isang graduate sa St. Mary’s College sa Meycauayan imbes sa Saint James. Nagkita muli ang ngayo’y sikat na indie artist na si Rogie at ang kasabayan nung hayskul na si Zeke na ngayo’y executive na ng Ayala Real Estate Holdings.

Hindi naglaon, napapansin na ni Mariel na matagal na niyang hindi nakikita si Kenmark.  Hinanap siya sa kung saan. Tinanong niya Si Denmark Lubao na kasintahan ni Lani R., si Rikko Del Espiritu na isa nang member ng isang sikat na dance troupe, at maging si Czaramara Maca-ajon na isang militante ngayon ng grupong Gabriela. Lumabas siya ng auditorium at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya si Kenmark, ang kanyang  nobyo at malapit na maging asawa, at ang kanyang matalik na kaibigan, si Shiela, magkayakap at naghahalikan sa tabi ng balcony sa kabilang building ng eskwelahan. “KENMARK! SHIELA! What’s the meaning of all these?! Kenmark, ano..ito? And Shiela, how could you do this to me?!” Galit na tinanong ni Maviel ang dalawa.  “Uhm, Mariel, let me explain all of this”. “No Kenmark, answer me this! We were on for six years, for goodness sake! Minahal kita at minahal mo ako! Ano ang pagkukulang ko!? At bakit ikaw, Shiela, kaibigan ko pa naman kita?!”. Takot na sagot ni Shielo ,“ I’m sorry Mari. It’s just that, pa mula  nung bata pa tayo, may pagtitingin na ako kay Kenmark”. “She’s right, Mari, akala ko , six years ago, sure na ako sa desisyon kong maging tayo. But, I felt that something was missing. I felt that whenever you’re with me, I can’t feel the happiness I expect that I’d be getting from the one I love the most.. It was Shiela all along.  Sorry if I was not loyal to you, but I tried my all not to let this happen pero nangyari ang nangyari”. Pakiusap naman ni Shiela, “Mariel, sana maintindihan mo ang sitwasyon naming dalawa. Wala kaming lakas na loob na sabihin sa iyo ito dahil mahal ka namin at ayaw ka naming makita kang nasasaktan, kaya aming itinago ang nararamdaman namin sa isa’t isa”.

Pero hindi nakinig si Mariel, “How could you do this to me?” Umalis si Mariel na luhaan. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari. Palabas na siya sa gate ng school nang may nakabangga sa kanya. Nagalit si Mariel at sumigaw sa bumangga sa kanya “Hey, watch where you’re going. Bulag ka ba?” Lumingon siya at nakita kung sino ang kinakausap niya. “Mariel, ako ito! Di mo ba ako natatandaan?”. Naalala nga ni Mariel ang mukhang iyon. Siya ang dating baguhan sa eskwela na huling pumasok at siya lamang ang tao sa silid-aralan kaya tinulungan siya ayusin ang mga gamit nito. Nakita ng lalaki na umiiyak si Mariel kaya dinala niya siya paakyat ng auditorium.  Sinabi ni Mariel sa kanya ang sitwasyon niya  habang nakaupo sa isang mesa. “You know, you can’t really tell what love can do to a person. Minsan, ito ang nagdadala sa iyo sa wagas na pag-ibig , kung minsan, hindi.”  Sagot pa ni  Mariel sa kanya, “Napaka-unfair na ganong concept. I never realized kung gaanong kumplekado ang umibig”. May naisip na suhestson ang lalaki, “Alam ko na, para naman makalimot mo si Kenmark, try moving on”. “Paano naman?” tanong niya.

“Heto, tutulungan kita”.

Mellow music naman ang tinutugtog ng DJ, kaya perfect ito  para sa kanilang dalawa. Nagyakapan sila at nagsimulang sumayaw.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, magaan ang pakiramdam ni Mariel habang katabi siya, hindi niya ito maipaliwanag. Malamang ito raw, inisip niya, siguro ang ibig sabihin sa kanya ni Kenmark. Hindi naman niya alam na may pagtingin rin ang binatang kanyang kasayaw. Mula pa noong una silang nagkita ay may crush na siya sa dalaga. Ngayon lang niya na-realize na pagmamahal pala ang nararamdaman niya kay Mariel.

Habang lahat ng mga alumni ay sumasayaw nung gabing iyon sa kanilang high school reunion, ang tinugtugtog ngayon ay ang awiting“Sana Ay Ikaw Na Nga”.

 

WAKAS

*kung gusto niyo malaman kung sinu-sino sila, abangan ang original version

Share this post

Jamers Batch 07, 5 months after

    Hi Guyz! This an update on what the class of 2007 are up to 5 months after graduating from SJa last March 29, 2007.

    Looks like many of us are getting well-adapted to our new surrounding now that we’re now blenidning in to our college lives. Maviel was privilege to talk to AdMU senior men’s basketball team, I just found out that Russel I.  came home for vacation (may nadevelop na kayang twang siya?), si JB magsisimula nang pumasok sa Grade 11 sa FL, si Camille rinig ko magdedebut na, at so on and so forth).

    Sa totoo lang, wala talaga akong balita sa kanila, ang tanging bagay na nagbibigay-alam sa akin sa mga kaganapan ay ang Multiply websites ng mga kasamahan ko galing HS. Paminsan sa Friendster pero sawa na ako dyan kasi Multiply at Facebook ang inaatupag ko ngayon.

    Nga pala, nagkatoto na ang binaggit ko noon tungkol sa nabigyan na kalayaan sa paghuhusga ng kapalaran ng mga istura natin. Si Mechel, nakita kong long hair na, si Robin at Jeco kapal bangs, si Ace may butas sa tainga….Kaso, sila lang mga nakikita ko lang sa side namin ng Taft. Ano kaya ang itsura ngayon ng ibang Jamers? Hmm…

    Kamakailan lamang, nagkaroon ng mini-class reunion ang IV-Dominic nung kaarawan ni Ms JQ (the same day as ang big game ng Ateneo at La Salle nung July). Si Errald medyo matangkad pa rin, si JM di pa rin nawawalan ng paraan para gumawa ng ka*alang hayaan sakin, si Paolo proud and true Bedan! Yeah! Si Sandy, proud Malabonian kasi sa CMU siya nag-aaral, nagsimulang nag-aral sa malabon, sa malabon din siya tatapos (kaya ako hanga sa kanya). Si Czarmaine, wala paring pagbabago. si Pat, mukhang teacher na, hehehe. Si Kat di ko naabutan sayang.

    Sa Enigma siguro makakaalaman na kung ano na ang nagyari sa isa’t isa kahit marami rin ang tiyak na di makakapunta. Ako nanganganib na hindi makapunta kung iyon ay gaganapin sa huling sabado o biernes ng october na parehong linggo nang posibleng pagsabak ko sa inang paligsahan sa Baguio. Kaya ipagdasal niyo na lang na makakarating ako sa Enigma para kunan ko kayo ng mga litrato!

FOR GOD, FOR COUNTRY, FOR SAINT JAMES!!

Share this post